GMA Logo little princess tiktok challenge
What's on TV

'Little Princess' male stars take on 'Infinity x SexBomb' TikTok dance challenge

Published December 17, 2021 6:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

little princess tiktok challenge


"Pakihanap po ang dangal namin please. Parang nawawala," biro ni 'Little Princess' star Chuckie Dreyfus.

Matitikas ang dating ng Little Princess male stars na sina Rodjun Cruz, Chuckie Dreyfus, Marx Topacio, at Kaloy Tingcungco sa simula ng kanilang bagong TikTok dance video.

Pero ilang segundo lang ay kumembot na para bang SexBomb dancer ang mga aktor sa kanilang entry para sa viral 'Infinity x SexBomb' dance challenge sa trendy app.

Gamit ang ilaw ng kanilang mga cellphone, dramatic ang simula nina Rodjun, Chuckie, Marx, at Kaloy sa saliw ng kantang "Infinity" ni Jaymes Young bago gumiling ala-SexBomb sa kanta ng girl group na "Di Ko Na Mapipigilan' habang nasa taping bubble ng Little Princess.

Sabi ni Rodjun sa kanyang post, "Pinaghandaan namin ito after ng intense workout!"

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz)

Ni-repost naman ni Chuckie ang nasabing video. Biro niya, "Pakihanap po ang dangal namin please. Parang nawawala."

A post shared by Chuckie Dreyfus (@chuckiedreyfus)

Ang Little Princess ay pagbibidahan ni Jo Berry.

Tampok din sa upcoming GMA series sina Juancho Triviño, Angelika Dela Cruz, Jestoni Alarcon, Geneva Cruz, Jenine Desiderio, at Lander Vera Perez.

Mapapanood din dito sina Therese Malvar, Tess Antonio, Gabrielle Hahn, at Kaloy Tingcungco.

Narito ang pasilip sa bagong role ni Jo Berry: