
Nakisaya sa Dabarkads si Kapuso actress Jo Berry sa pagsali sa "Cash Landing On You" segment ng Eat Bulaga.
Ayon kay Jo, abala siya ngayon sa bago niyang serye, ang Little Princess, na mapapanood na sa Lunes, January 10, sa GMA.
Ipinakita rin ni Jo sa Dabarkads ang bahay nila sa Cavite kung saan kasama niya ang kanyang mga magulang at kapatid.
Samantala, hindi naman nabigong maiuwi ni Jo ang cash prize na PhP45,000 kasama ang home partner na si Jessy sa paghahanap ng mga bagay o pagkain na binubuo ng tatlong letra.
Mapapanood ang Little Princess simula January 10 sa GMA Afternoon Prime.
Tingnan ang cutest CEO photos ni Kapuso actress Jo Berry sa gallery na ito: