GMA Logo Liza Soberano, Enrique Gil
What's on TV

Liza Soberano, natakot aminin ang dahilan ng breakup nila ni Enrique Gil

By Kristian Eric Javier
Published August 19, 2025 9:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Emilia Clarke gets surprise visit from Jason Momoa in New York
At least 30 houses along creek in Bacolod City demolished
Khalil Ramos is on the digital cover of a men's fashion magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Liza Soberano, Enrique Gil


Alamin ang dahilan ng breakup nina Liza Soberano at Enrique Gil at kung bakit matagal nila itong itinago sa publiko.

Naging usap-usapan ang pagbahagi ni Liza Soberano na matagal na silang hiwalay ng onscreen at offscreen partner na Enrique Gil, na kilala rin bilang Quen, sa documentary ni Australian photographer Sarah Bahbah na Can I Come In?

Sa Fast Talk with Boy Abunda noong Lunes, August 18, inilabas ni King of Talk Boy Abunda ang 12-minute unreleased interview niya kay Liza noong March 7, 2023 kung saan inamin niyang hiwalay na sila ni Quen.

Pagbabahagi ni Boy, pagkatapos ng panayam nila noong gabing iyon ay hiniling ni Liza na huwag munang ilabas ang naturang parte ng panayam dahil hindi pa umano handa si Quen na malaman ito ng publiko.

Ngunit matapos ipahayag ni Liza na hiwalay na sila sa naturang documentary, at pagkatapos makausap ang mga abogado ng GMA Network at personal na abogado ni Boy, ay inilabas na rin nila ang interview.

Sa panayam noong 2023, binalikan ni Boy ang post ni Liza na maraming pagbabago ang mangyayari sa buhay ng aktres. Ngunit tanong ng marami, nasaan si Enrique sa mga planong iyon. Doon na inamin ng aktres na hiwalay na sila ng dating boyfriend.

“Quen and I have decided to [go our] separate ways, and that is because our values and the way we see life just don't align anymore because of the whole change that I went through last year,” saad ni Liza.

Pagpapatuloy ng aktres, “It was kinda hard for us to be there and support each other the same way that we used to be, and so we decided that it was just easier to separate ways and kinda find ourselves first, kinda explore before we take it to the next level, you know?”

Umabot ng walong taon ang relasyon nina Liza at Quen at ang madalas na tanong ng marami bago sila maghiwalay ay kung kailan sila magpapakasal. Pag-amin ng aktres, umabot na sa puntong hindi na siya sigurado kung iyon pa ba ang gusto niya.

“There was so much more that I still want to achieve, and he's older than me, he's in his 30s, and of course, he's thinking about settling down, starting a family. And so, it just doesn't line up anymore,” sabi ni Liza.

BALIKAN ANG ILANG LITRATO NA PINAPAKITANG PARA SA ISA'T ISA SINA LIZA AT ENRIQUE SA GALLERY NA ITO:


Pag-amin ni Liza, hindi naging madali ang breakup nila ng aktor dahil unang-una, wala silang galit o ill feelings para sa isa't isa. Sa katunyan, naging maayos ang hiwalayan at maging hanggang noong panayam na 'yun ay sinusuportahan pa rin siya ni Quen.

“There's still a lot of love and care for each other, but it's just that at the moment, we need to grow first,” sabi ni Liza.

Naiintindihan naman umano iyon ni Quen ngunit alam ni Liza na mahal pa rin siya ng aktor dahil maging siya ay may pagmamahal pa rin para dito. Sa katunayan, nang tanungin siya ni Boy kung gumagawa pa ng paraan si Quen para makuha ulit ang puso niya, ang sagot ni Liza, “He has consistently been doing that, yeah.”

Nang tanungin siyang muli ng batikang host kung bakit nila itinago ni Quen sa publiko ang kanilang break up, inamin ni Liza na nahirapan sila lalo na at parte ng kaniyang pagkakakilanlan ay nakakabit na sa love team nila ng on-screen partner.

Pagpapatuloy pa ni Liza, “Siyempre takot po ako, like my whole family and his family, we're like [a] big family already. My friends are his friends, my whole world basically revolved around him, from my career and our personal lives.”

“So it's scary to come forward, it's such a big change in our lives, and you don't know how people are gonna take it. And so I didn't want to come forward for a long time, but it came to a point where I wanted to start talking about it,” saad ng aktres.

Aminado naman si Liza na noong panahon ng panayam na iyon ay hindi siya handa, ngunit alam din niyang kailangan na niyang ibahagi ang kaniyang kwento.

Nilinaw din ni Liza na walang kinalaman sa hiwalayan nila ni Quen si James Reid, ang may-ari ng talent management agency at ngayon ay music record label na Careless, at manager niya noon.

“It's purely platonic, he's my manager. There is no third party. I know people always like to make it about that, but no, we just grew apart,” saad ni Liza.