
Marami ang nabigla nang isiwalat ni Liza Soberano na matagal na silang hiwalay ng dating boyfriend at on-screen partner na si Enrique Gil.
Isa sa mga naging usap-usapan ay kung may kinalaman sa hiwalayang ito ang dating manager at kapwa aktor na si James Reid, bagay na binigyang linaw ng aktres.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, August 18, inilabas na ni King of Talk Boy Abunda ang parte ng kanyang interview kay Liza noong March 7, 2023 kung saan ibinahagi niya ang lagay ng kaniyang puso.
Dito, inamin ni Liza na nagdesisyon na sila ni Enrique na maghiwalay dahil hindi na umano aligned ang kanilang mga layunin pagdating sa career at sa kanilang relasyon. Isa rin sa mga dahilan nito ang mga pinagdaanang pagbabago ng aktres noong 2022.
“It was kinda hard for us to be there and support each other the same way that we used to be. So, we decided that it was just easier to separate ways and kinda find ourselves first, kinda explore before we take it to the next level, you know?” pag-amin ni Liza.
Tinanong rin ni Boy si Liza kung may kinalaman ba si James sa hiwalayan nila ni Quen. Agad namang sinagot ng aktres, “Oh, no.”
Hindi rin umano siya niligawan ng dating manager at kapwa aktor, at sinabing “purely platonic” lang ang kanilang relasyon.
“He's my manager. There is no third party. I know people always like to make it about that, but no, we just grew apart,” sabi ni Liza.
BALIKAN ANG MENSAHE NI JAMES PARA KAY LIZA SA GALLERY NA ITO:
Matatandaan na unang pumirma ng kontrata si Liza sa Careless Music, isang independent artist agency, kung saan isa si James sa mga founder, noong 2022. Ngunit noong 2023, lumabas ang mga haka-haka na umalis na ang aktres sa naturang artist agency, na kinumpirma naman nila sa isang pahayag.
Panoorin ang kabuuang panayam kay Liza sa video sa itaas.