What's Hot

LJ Reyes appreciates partner Paolo Contis: "Meron akong katuwang"

By Jansen Ramos
Published May 24, 2021 6:55 PM PHT
Updated May 24, 2021 6:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

LJ Reyes and Paolo Contis


LJ Reyes on her experience being a mom to Aki and Summer: "With Aki, I had no choice. I had to work kasi I also had to provide for our small family. With Summer, I'm so blessed that I have a choice."

Lubos na napatunayan ni LJ Reyes kung gaano karesponsable ang kanyang partner na si Paolo Contis ngayong pandemya.

Kuwento ng aktres sa online media conference ng Kapuso moms kamakailan, na-appreciate niya ang effort ng aktor para sa kanilang pamilya.

Sambit ni LJ, "Grabe 'yung pasasalamat ko kay Paolo na talagang siya 'yung nagsa-sacrifice.

"I mean, sobra-sobra 'yung sacrifice n'ya kasi s'yempre ano ba trabaho namin, sobrang na-realize ko na he would shield us from anything na lagi niyang sinasabi sa 'kin na 'wag ka na lumabas.

"As in, no'ng umpisa ng pandemic, hindi n'ya 'ko pinaggo-grocery kasi ang point n'ya is 'di natin sure pa kung saan nakukuha 'tong COVID-19 so ayaw n'ya 'kong mag-grocery kasi ayaw 'ya na ma-expose ako sa labas kasi ako 'yung hinahanap ng mga bata, sa akin dikit 'yung mga bata.

Dugtong pa ni LJ, "As in, hindi s'ya naggo-grocery kaya parang ako 'hala ano nangyari.'

Hindi rin daw pinilit ni Paolo si LJ na magtrabaho nang lumuwag ang quarantine measures sa bansa.

"Tapos no'ng slowly bumabalik na nga to work, lagi n'ya sinasabi na 'you can stay at home,'

"You have a choice and 'yung choice na 'yun importante' yun sa ating babae kasi 'yun 'yung feeling ko nawala sa 'kin before.

"So ngayon, parang na-a-appreciate ko na, u,y meron akong katuwang.

"Hindi ka na parang walang choice na kailangan ko pa lang i-risk 'yung sarili ko na kasi isipin mo rin 'yung mga bata.

"Mahirap sobra. Mahirap na nga to begin with maging isang nanay tapos isasabay mo pa na magpo-provide ka rin."

Damang-dama raw ni LJ ang pagbabago sa kanyang mom life nang magsama sila ni Paolo sa iisang bubong.

"Magkaiba 'yung experience ko with Aki and Summer.

"Siyempre, with Aki, I had no choice. I had to work kasi I also had to provide for our small family.

"With Summer, I'm so blessed that I have a choice. Kung gusto kong magtrabaho, magtatrabaho ako, kung hindi ko gusto magtrabaho, Paolo will have the choice to work."

Sa ngayon, hindi muna raw handang tumanggap si LJ ng mga proyektong kailangan i-shoot sa labas dahil ayaw niyang mawalay sa dalawang niyang anak na pawang mga bata pa.

"I haven't done lock-in taping yet kasi medyo nahihirapan ako to comprehend because, una, for safety reasons.

"Pareho kami ng industriya ni Pao. Meron din namang mga work-from-home pero it requires us to work physically.

"Pwede nang umarte online. Possible na mayroong project na you can shoot sa bahay or sa Zoom.

"Pero right now, gusto ko pa rin safe 'yung mga bata and that means, 'yung safety nila kahit isa sa dalawa nilang magulang na ando'n para sa kanila whatever happens.

"Hindi pwedeng exposed kami pareho ni Pao so ando'n ako sa emotional side pa honestly."