
Isang kuwento ng tagumpay sa panahon ng pandemya ang hatid ng brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong parating na Sabado.
Bibigyang buhay ni Kapuso actress LJ Reyes ang kuwento ni Merlinda Nacario o mas kilala bilang Minda sa kanyang mga kaibigan.
Tulad ng nakakarami ngayong taong 2020, pinadapa ng pandemya si Merlinda na matagal nang nagtitinda sa palengke.
Bukod dito, iniwan pa siya ng kanyang asawa na dapat ay katuwang niya sa paghahanap-buhay at pag-aalaga ng dalawa nilang anak.
Susubukan pa rin niyang itaguyod nang mag-isa ang kanyang mga anak kahit sa kabila ng takot niya sa COVID-19.
Makakakuha ng magandang pagkakataon para makabangon si Minda nang dahil sa initiative ng kanilang siyudad na mobile palengke.
Naka-relate naman si LJ sa kanyang karakter dahil minsan na rin siyang naging single mom.
"Minsan sa dami ng hinaharap mo sa buhay, gusto mo ng sumuko. Pero kahit anong mangyari, ang isang nanay ay matatag at babangon para sa mga anak nya!🙏🏻 Abangan ang kwento ni Merlinda Nacario ngayong Sabado Dec 26 sa Magpakailanman: Palengke Queen ng Quarantine, 8pm!" sulat niya sa kanyang Instagram account.
Huwag palamasin ang inspiring niyang kuwento sa brand new episode na "Palengke Queen ng Quarantine: The Merlinda Nacario Story" sa #MPK ngayong Sabado, December 26, 8:00 pm.
Silipin ang ilang sa mga eksena nito sa gallery na ito: