Article Inside Page
Showbiz News
Ito ang unang pagkakataon na nabigyan ng lead role sa isang primetime series ang Kapuso actress na si LJ Reyes. Sa aming panayam sa magandang actress sa press conference ng Aso ni San Roque, masayang ibinahagi nito sa amin ang kanyang magiging role sa newest telefantasya ng GMA Network.
Ito ang unang pagkakataon na nabigyan ng lead role sa isang primetime series ang Kapuso actress na si LJ Reyes. Sa aming panayam sa magandang actress sa press conference ng Aso ni San Roque, masayang ibinahagi nito sa amin ang kanyang magiging role sa newest telefantasya ng GMA Network.
“Ako si Lourdes o Lualhati, galing ako sa lahi ng mga manananggal. Ipinanganak at may dugo akong manananggal sa istorya, so ayoko iyong fate ko. Maglalayas ako, tapos makikilala ko rito si TJ Trinidad o si Mateo; magkakaroon kami ng anak. Pero bago pa man kami maging happily ever after, bigla kaming mahahanap ng angkan ng mga manananggal,” kuwento ng StarStruck alumna.
Dahil kontrabida roles ang madalas gampanan ni LJ, itinanong namin kung ayon ba ito sa kanyang bagong lead role bagamat isa siya ritong manananggal. "Oo naman! Pero sa story naman kasi, ayokong maging manananggal. ‘Yon ang kuwento niya. Kumbaga, I’m defying my fate. Pero kasi sa kuwento namin, ako lang iyong pinanganak na manananggal, so parang special fate iyon ni Lourdes.”
Ang paggaganap ni LJ bilang isang ina sa Aso ni San Roque ay hudyat ba ng paghinto niya sa pagpapa-seksi? “Hindi ko alam. Pero kung magaling ka naman talagang artista, hindi naman iyon magiging problema,” ang sagot ng Kapuso star.
Ang huling project ni LJ ay ang indie film na
Intoy Syokoy Ng Kalye Marino. “Na-enjoy ko po ‘yong pagawa ng indie film. Ganyan talaga 'pag gumagawa ka ng isang napakagandang indie film eh.”
Umaasa rin ang aktres na magkaroon siya ng launching movie in the future. “Opo, gusto ko naman po talaga iyon, kaya lang po kailangan namin ng tamang timing for that,” explains LJ.
Panoorin si LJ Reyes sa kanyang pagganap bilang si Lourdes sa
Aso Ni San Roque pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad! --
Paula Panganiban, GMANetwork.com