GMA Logo LJ Reyes and Philip Evangelista
Photo by: mikkamarcaida (IG); markbaquiran (IG)
What's Hot

LJ Reyes, ikinasal na kay Philip Evangelista sa New York

By Aimee Anoc
Published October 8, 2023 5:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gaza no longer in famine after aid access improves, hunger monitor says
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

LJ Reyes and Philip Evangelista


Congratulations and best wishes, LJ Reyes and Philip Evangelista!

Ikinasal na si LJ Reyes sa non-showbiz fiance na si Philip Evangelista.

Sa Instagram post ngayong Linggo (October 8) ng wedding guest na si Mark Baquiran-Esposito, ibinahagi nito ang ilang larawan at video mula sa kasal nina LJ at Philip sa New York.

Sa isang video, makikita ang magkasabay na paghihiwa ng cake nina LJ at Philip kung saan naka-tube wedding gown ang aktres habang naka-white suit naman ang huli.

Sa Instagram post naman ng makeup artist na si Mikka Marcaida, ibinahagi nito ang bridal look ni LJ. Sulat niya, "First look of our beautiful bride @lj_reyes."

A post shared by Mikka Marcaida (@mikkamarcaida)

Noong May, sinorpresa ni LJ ang lahat nang ibahagi nito na engaged na siya kay Philip.

Kasama ng aktres na lumipad papuntang New York noong 2021 ang dalawang anak na sina Aki at Summer matapos ang hiwalayan nila ni Paolo Contis.

TINGNAN ANG WEDDING PHOTOS NINA LJ AT PHILIP DITO: