GMA Logo LJ Reyes Aki and Summer
Source: lj_reyes (Instagram)
Celebrity Life

LJ Reyes, may na-miss sa Pilipinas habang nasa amusement park sa Amerika

By Jimboy Napoles
Published June 2, 2022 11:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

LJ Reyes Aki and Summer


Gusto rin ni LJ Reyes na ma-experience nina Aki at Summer ang saya ng paglalaro sa perya sa Pilipinas.

Masayang nag-bonding ang mag-iina na sina LJ Reyes, mga anak nitong sina Aki at Summer sa isang amusement park sa Amerika.

Sa Instagram, nag-post si LJ ng mga larawan ng mga anak habang nag-e-enjoy sa paglalaro.

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)

Pero para kay LJ, gusto rin niyang ma-experience nina Aki at Summer ang saya ng paglalaro sa perya sa Pilipinas.

Aniya, "Nakakamiss din 'yung perya sa Pilipinas! Gusto ko rin ma-experience nila 'yun! Favorite ko 'yung may hinihila tapos kailangan mag-match 'yung colors ng blocks and 'yung nagbabato ng coins."

Sigurado naman si LJ na nag-enjoy ang kaniyang mga anak at magiging usual habit nila ang pagbisita sa amusement park.

"Oh well! I think this would be a usual hangout place with the warmer weather," ani LJ.

Setyembre noong nakaraang taon nang magdesisyon si LJ na manirahan na muna sa Amerika kasama ang kaniyang mga anak na sina Aki at Summer matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ng aktor na si Paolo Contis.

Samantala, silipin ang mga larawan ng masayang buhay nina LJ sa Amerika sa gallery na ito.