
Upang ipagdiwang ang Buwan ng Wika ngayong Agosto, sumabak sina LJ Reyes at ang kanyang anak na si Aki sa all-Filipino tongue twister challenge.
Sa Instagram, ipinaliwanag ni LJ kung ano ang Tagalog ng salitang tongue twister.
“Tongue twister challenge with Aki!!! Alam n'yo ba na ang tongue twister pala ay DILA MANDARAYA sa Filipino???” sulat ni LJ sa kanyang post.
“Ang cool, 'di ba?! Ang ganda talaga ng wikang Filipino!”
Sa buong vlog ay bawal magsalita ng English sina LJ at Aki at kailangan nilang sabihin nang tatlong beses ang ilan sa mga Tagalog tongue twister.
Ilang halimbawa ay 'Minikaniko ni Monico ang makina ni Monica' at 'Nakakapagpabagabag Kapag Ako'y Kinakabag.'
Magawa kaya nina LJ at Aki ang hamon?
Panoorin:
LJ Reyes's son Aki has touching message for sister Summer Ayana
'Plantita' LJ Reyes, nag-react sa 'patayto' comment ni Paolo Contis