GMA Logo LJ Reyes with son Aki
Celebrity Life

LJ Reyes, naiyak sa mensahe ng anak na si Aki

By Bianca Geli
Published September 4, 2021 11:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

LJ Reyes with son Aki


Hindi napigilan na maging emosyonal ni LJ Reyes nang sabihin ng anak niyang si Aki na "You complete us, mom."

Nananatiling matatag si LJ Reyes sa gitna ng hiwalayan nila ni Paolo Contis matapos ang anim na taong pagsasama.

Sa isang tell-all interview kasama si Boy Abunda, ipinaliwanag ni LJ kung paano niya inamin sa panganay niyang anak na hiwalay na sila ni Paolo.

"Wala pong social media si Aki, pero may one time lang na nagtanong siya sa akin, kung ano ba talaga ang dahilan," kuwento ni LJ.

Hindi lubos maisip ni LJ kung paano ipapaliwanag sa anak kung ano ang tunay na dahilan ng hiwalayan. "Parang ang feeling niya, may iba pang dahilan, may iba pang issue. So, napakasakit po ng tanong sa akin ng anak ko. Hindi ko po masagot on the spot. Sabi ko na lang sa anak ko, 'Wait lang, sasagutin kita.'

Dagdag niya, "'Ta's [I gathered myself] kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Gusto ko kasi sa akin manggaling ang truth. Sa panahon ngayon ng social media, marami siyang puwedeng mabasa. Marami siyang puwedeng marinig. Maraming tao ang puwedeng gumawa ng kuwento, pero gusto ko, sa akin manggaling ang katotohanan."

Naging bukas sa lahat ng mga tanong ng anak si LJ, "Sabi ko sa kanya, 'I'll never lie to you at ako ang paniniwalaan mo. Kung meron kang tanong, sasagutin ko.'

"So, kinuwento ko po ang mga dahilan kung bakit nangyari ang mga itong lahat. Sinabi ko sa kanya, 'I'm sorry for everything. I wanted a complete [our] family for you and Summer. Tapos sabi niya sa akin, 'You complete us, mom.'"

Naluha si LJ nang inalala ang sinabi ni Aki. "Grabe po ang kirot sa puso ko. Na-touch po ako sa bata. Pero napaka-sweet po talagang bata ni Aki. At 'yun po ang pinoprotektahan ko."

Kuwento ni LJ, tunay na ama na rin ang tingin ni Aki kay Paolo. "Tinrato po siya ng anak ko na parang totoong tatay niya," lahad ng ni LJ.

Tingnan ang mga litrato ni LJ Reyes at Paolo Contis:

Kasalukuyang nasa Amerika si LJ kasama ang kanyang ina at kapatid para ilayo muna sa mga intriga ang dalawa niyang anak na si Aki at Summer. “We left because I felt like I really needed to get myself and my kids out of the situation physically. Para kahit papaano matulungan rin kami emotionally and mentally to recover and rebuild as a family."

Nagumpisa ang mga usapan ng hiwalayan sa pagitan nina LJ at Paolo nang burahin ni Paolo ang lahat ng mga litrato nila ni LJ sa kaniyang Instagram nitong nakaraang Agosto.

Panoorin ang buong interview ni LJ sa ibaba: