
Sina LJ Reyes, Sarah Lahbati at Karel Marquez ang magtatapatan sa Celebrity Bluff ngayong Sabado, January 16.
Mapapanood pa rin sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show.
Samantala, tatlong celebrity moms ang makiki-“Fact or Bluff.” Maglalaban-laban sa kulitan at kaalaman sina LJ, Sarah at Karel.
Handa na ba kayong maki-“Fact or Bluff' kasama ang inyong mga paboritong artista?
Sabay-sabay tayong matawa at matuto! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng I-Witness!