GMA Logo Summer Ayana at LJ Reyes
Celebrity Life

LJ Reyes to Baby Summer: 'Your energy keeps our home alive in this difficult time'

By Dianara Alegre
Published May 19, 2020 6:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Summer Ayana at LJ Reyes


Aminado si LJ Reyes na malaki ang naitutulong ni Summer sa kanilang pamilya sa gitna ng COVID-19 crisis.

Inamin ni Kapuso mom LJ Reyes na malaki ang nagagawa ng bunso niyang anak si baby Summer Ayana para sa kanilang pamilya sa gitna ng COVID-19 crisis sa bansa.

Bukod sa dalang saya ng presensiya niya ni Summer, ang kakaibang energy nito ang labis na nagapasigla sa kanya, sa daddy niyang si Kapuso actor Paolo Contis at kapatid niyang si Aki.

Ibinahagi ito ni LJ sa latest Instagram post niya kung saan niya ibinida ang newly discovered dancing skills ni Summer. You make us so happy lately!

“Alam ko parang neverending na 'tong sitwasyon natin, but your energy keeps our home alive!

“You make me, Papa and Ahya Aki so happy! Filling our home with laughter and so much love in this difficult time!” pahayag ng aktres.

Kaugnay nito, ibinahagi rin ni LJ ang itinuro niyang dance steps kay Summer.

“Tinuruan ko siya ng dance steps tapos nakuha na niya! Siyempre 'di 'to agad-agad. Pero nakakatuwa pa rin!

“Bigay na bigay pa 'yung attitude sa huli o! Pak! Gusto pa naka-selfie cam ah!” dagdag pa niya.

You make us so happy lately!!! Alam ko parang never ending na tong sitwasyon natin, but your energy keeps our home alive! You make me, Papa and Ahya Aki so happy! Filling our home with laughter and so much love in this difficult time! Tinuruan ko sya ng dance steps tapos nakuha na nya!!!! Syempre di to agad agad. Pero nakakatuwa pa rin!!! Bigay na bigay pa yung attitude sa huli o!!! Pakkk!! Gusto pa nakaselfie cam ah!🤣😅 pasensya na po sa amateur video na may buhok ko pa nagmamadali akong makunan yan eh!😅

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes) on


Hindi lang sa Instagram feed ni LJ laging bida si Summer dahil pati ang social media pages ng daddy niyang si Paolo ay puno ng iba't ibang videos at photos niya.

Mayroong mga video ng acting lesson, prank, dance cover, disciplinary method at marami pang iba.

Para sa mga hindi naniniwalang hindi ko kinurot si Summer sa isang video namin kaya siya umiyak, watch this..!! 😊😊😊 ayaw niya talaga na sad ako or si @lj_reyes 😊 lambing siya agad.!! Pag sad song naman kanta ko, iyak naman siya! 😊☹️ . PS. Kaya naman ako naiiyak kasi si Summer kinukurot ako! 😂😂😂

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis) on



WATCH: Paolo Contis's #Acting102 lesson with Baby Summer

LJ Reyes nakararanas ng anxiety at insomnia sa gitna ng coronavirus pandemic