GMA Logo  LJ Reyes Aki Paulo Avelino
Celebrity Life

LJ Reyes's son Aki reunites with his father Paulo Avelino

By Jimboy Napoles
Published April 8, 2022 10:08 AM PHT

Around GMA

Around GMA

ICI calls for probe on Cabral’s death
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

 LJ Reyes Aki Paulo Avelino


Muling nakasama ng anak ni LJ Reyes na si Aki at ang kanyang ama na si Paulo Avelino sa Amerika.

Matapos ang halos isang taon na pamamalagi sa Amerika, muling nakasama ng anak ni LJ Reyes na si Aki ang kanyang ama na si Paulo Avelino.

Sa Instagram story ng aktor noong Huwebes (April 7), makikita ang video ng pagbisita niya sa paaralan ni Aki. Maririnig din sa video ang pag-uusap ng mag-ama patungkol sa pagpapakulay ng buhok ni Aki.

Source pauavelino Instagram

Ani Aki, "My hair color is blue but it turns to green eventually."

"It's blonde now," sagot naman ni Paulo sabay haplos sa ulo ng anak.

Sa kasunod na video, makikita naman ang pagsunod ni Paulo sa anak habang naglalakad ito pauwi kasama ang tila kaibigan o kaklase nito.

Source pauavelino Instagram

Setyembre noong nakaraang taon nang magdesisyon si LJ na manirahan na muna sa Amerika kasama ang kanyang mga anak na sina Aki at Summer matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ng aktor na si Paolo Contis.

Samantala, silipin ang mga larawan ng masayang buhay nina LJ sa Amerika sa gallery na ito.