GMA Logo Lola Amour
Source: lolaamourph/IG
What's on TV

Lola Amour, walang magawa sa paggamit ng 'Raining in Manila' bilang campaign jingle

By Kristian Eric Javier
Published August 22, 2025 6:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu landfill landslide victims now all accounted for with last missing body found
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Lola Amour


Ano nga ba ang naging reaskyon ng bandang Lola Amour nang gamitin ng ilang kandidato ang kanta nilang "Raining in Manila" bilang campaign jingle?

Wala umanong nagawa ang hit OPM band na Lola Amour nang gamitin ng ilang mga kandidato ang hit single nilang “Raining in Manila” bilang template ng kanilang mga jingle nitong nakaraang 2025 Elections.

Sa pagbisita ng banda sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwbes, August 21, kinumusta ni King of Talk Boy Abunda kung ano ang pakiramdam nila sa kasikatan ng kanilang kanta. Pagbabahagi ng lead guitarist at vocals ng banda na si Pio Dumayas, hindi nila inasahan ito.

“Hindi namin napansin e, hindi kami nagmo-monitor ng charts, ng data, at that time kasi ano lang kami, hobby lang talaga namin 'yung Lola Amour at that time. So when we saw that this was happening, we didn't know what it meant because we weren't really chasing that level,” sabi ni Pio.

Ayon sa batikang host, bahagi ng pagsikat ng kanilang kanta ay ang paggamit ng ilang kandidato ng kanilang hit single bilang template ng campaign jingles. Dito, binalikan ni Pio ang pag-post nila sa Facebook tungkol dito.

“Kasi nu'ng una, 'di ba nag-post kami na hindi kami connected sa mga jingles na 'to or sa mga politicians na 'to using our music as a template for their jingles. Pinost namin 'yun dahil we just wanted to protect our fans from thinking na nag-e-endorse kami ng mga taong hindi namin alam 'yung plataporma,” sabi ni Pio.

Dagdag pa ng frontman ng Lola Amour, gusto lang nila i-disassociate ang kanilang sarili sa mga kandidato, at linawin na hindi nila ini-endorso ang mga ito. Sa katunayan, isa sa mga kandidato na gumamit ng kanilang kanta ay galing sa isang local government unit o LGU na hindi manlang sila pamilyar.

“So hindi namin ine-expect na it would reach COMELEC and they also advised us to file a complaint. By the time that we were on this spotlight again, hindi na namin mahanap 'yung mga clips ng mga jingles kasi siyempre, nag-take down kaagad sila once naging issue,” paliwanag ni Pio.

Saad pa niya, dahil wala na ang mga naturang videos o ebidensya na ginamit ang kanilang single para sa campaign jingles, napagtanto nilang wala na silang magagawa ukol dito.

“At least to us, we're happy na naging topic na rin siya sa news and we were able to open up this conversation na years, decades na siyang ginagamit, 'yung mga music ng mga artist na wala namang permission,” dagdag ni Pio.

Panoorin ang panayam sa Lola Amour dito:

BALIKAN ANG FREE CONCERT NA ISINAGAWA NG LOLA AMOUR PARA SA KANILANG IKA-9 NA ANIBERSARYO SA GALLERY NA ITO: