GMA Logo My Fathers Wife
What's on TV

Lola ni Kazel Kinouchi, umani ng milyon-milyong views online habang nanonood ng 'My Father's Wife'

By Aedrianne Acar
Published August 24, 2025 11:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu landfill landslide victims now all accounted for with last missing body found
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

My Fathers Wife


“Apo ko 'yan, huwag mo sabunutan!”- Lola Pacita to Gina (Kylie Padilla)

Nakahanap ng kakampi ang certified maldita ng My Father's Wife na si Betsy at ito ay walang iba kung hindi ang real-life grandmother ni Kazel Kinouchi na si Lola Pacita.

Sa post ni Keith Talens Vlog “Kasatsat” sa Facebook, umani ng hindi baba sa 8.6 million views ang video ni Lola Pacita habang nanonood ng My Father's Wife.

Kitang-kita ang grandmother ni Kazel na dalang-dala sa eksena nang nagsabunutan ang karakter nina Betsy at Gina (played by Kylie Padilla) sa lamay ni Marcel (Yul Servo).

RELATED CONTENT: Meet Kazel Kinouchi's 100-year-old lola na si Pacita

Aliw na aliw naman ang fans ni Kazel at netizens sa pagiging supportive n pinakamamahal niyang lola.

Komento ng isang netizen, “Ang cute ng lola ni kazel nadala sa sabunutan ahahahahaha."

May isa rin sobrang hanga sa husay sa pag-portray ni Kazel bilang si Betsy. Aniya, “Betsy napaka effective mo maging kontrabida kuhang kuha mo ang inis at gigil ko hahaha. Pero ang galing mo po idol.”

Abangan ang My Father's Wife sa GMA Afternoon Prime, Monday to Saturday sa oras na 2:30 p.m., after It's Showtime. 1BA ANG UNA!