GMA Logo Lolit Solis Ellen Adarna Derek Ramsay
What's Hot

Lolit Solis, dinepensahan ang relasyon nina Derek Ramsay at Ellen Adarna

By Cherry Sun
Published February 28, 2021 12:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sarah Discaya transported to Cebu, brought to court
Sarah Discaya arrives in Cebu; up for detention in Lapu-Lapu City jail
MPTC waives toll fees on its expressways on Christmas Eve, New Year's Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Lolit Solis Ellen Adarna Derek Ramsay


“So what kung meron? May problema?” May mensahe si Lolit Solis para sa mga bumabaitkos sa relasyon nina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Dinepensahan ni Lolit Solis ang relasyon nina Derek Ramsay at Ellen Adarna lalo't ngayon ay kumpirmado na ang tunay na namamagitan sa dalawa.

Ellen Adarna Derek Ramsay

January 2021 nang unang mabalita ang namumuong relasyon sa pagitan nina Derek at Ellen nang makita ang dalawang na tila intimate sa isang party.

Agad na nabalot ng kontrobersiya ang kanilang pagsasama at lalong inulan sila ng batikos mula sa bashers nang kumpirmahin na ng Kapuso hunk na nobya na niya si Ellen.

Dahil dito, hindi naiwasang magkomento ni Lolit.

Wika niya, “Grabe naman reaction sa sinasabi nilang meron na daw relasyon sila Derek Ramsay at Ellen Adarna. So what kung meron? May problema? Parehong single, walang commitment, pinagtagpo ng mga pangyayari, nagkagustuhan, 'di ba maganda?

"Love is happiness, dapat 'pag meron nakitang nagmamahal, maging maligaya ang lahat. Both Derek and Ellen nanggaling sa isang relasyon na hindi nag-work out, 'di ba ang ganda naman na heto, baka sakali, natagpuan nila ang bagong pagmamahal at sana, ito na nga ang maging katapusan ng kanilang paghahanap.”

Nagpahayag din ng suporta si Lolit para sa mga naunang karelasyon ng dalawa.

Patuloy niya, “Makikita [rin] nila John Lloyd Cruz at Andrea Torres ang para sa kanila, at siguro kahit sila wish din na sana maging maligaya [sina] Derek at Ellen. Iyon paghahanap ng happiness maraming stumbling blocks along the way, pero sa dulo iyon ligaya mo pa rin ang importante. Basta maligaya, go, time is short, limited, enjoy it.”

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Kilalanin ang iba pang personalidad na naging bahagi ng buhay nina Derek at Ellen sa mga gallery sa ibaba: