
Sa pamamagitan ng isang mahabang Instagram post, ibinahagi ng showbiz writer at talent manager na si Lolit Solis ang mga dahilan kung bakit inaabangan niya ang upcoming series na Cain at Abel.
Aniya, "Gandang-ganda ako sa project na Dingdong Dantes at Dennis Trillo, Salve. Cute iyon pagsasama ng dalawang stars na kilala sa drama prowess nila. At gusto ko rin na parang remake ito ng unforgettable Cain at Abel nila Christopher de Leon at Philip Salvador. Sayang nga at wala na si Lino Brocka na sana ay naka trabaho din ng dalawang aktor."
Kuwento pa ni Lolit, "Sure ako na iba rin ang gagawin atake sa bagong Cain at Abel. Isa itong exciting project na sana magustuhan ng lahat dahil naiiba naman ang concept. Exciting to watch how Dingdong will give his all to his role, at kung ano ang dramatic moments na aabangan sa kanila ni Dennis. Excitement overload for this project."
Abangan ang Cain at Abel, starring Dingdong Dantes and Dennis Trillo, simula November 19 sa GMA Telebabad.