GMA Logo Lolit Solis lauds Marian Rivera
What's Hot

Lolit Solis, hanga sa breast milk advocacy ni Marian Rivera

By Marah Ruiz
Published May 22, 2020 12:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cellphone ng tindahan, tila may sumpa? | GMA Integrated Newsfeed
Suspect in Cotabato grenade attack killed in hot pursuit
EA Guzman and Shaira Diaz mark their first New Year's celebration together

Article Inside Page


Showbiz News

Lolit Solis lauds Marian Rivera


Humanga si Lolit Solis sa pagdo-donate ni Marian Rivera ng breast milk, na bahagi ng kanyang longtime advocacy.

Isang proud "padede mom" o breast milk and breastfeeding advocate si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Isa ito sa naging longtime advocacy niya matapos magkaroon ng sariling mga anak na sina Zia at Ziggy.

Noong nakaraang World Day of Human Milk Donation, hindi pinalampas ni Marian na mag-donate ng sarili niyang breast milk.

Kaya naman napahanga niya si veteran showbiz writer Lolit Solis sa patuloy niyang commitment sa breast milk at breastfeeding.

"Ang galing naman ng advocacy ni Marian Rivera na magbigay ng breast milk sa mga nanay na meron problema sa gatas para sa kanilang mga anak, Salve. Sa panahon ngayon, talagang napakahirap ng infant formula, either out of stock, or iyon nga, walang pambili," sulat ni Lolit sa kanyang Instagram account.

Inilarawan din niya sina Marian at asawa nitong si Dingdong Dantes bilang "generous."

"Pinaka practical talaga na iyon breast milk ng mga nanay ang ibigay sa anak, kaya nag-start ng give milk to babies si Marian para dun sa may sobrang gatas, ibigay sa mas may kailangan. Talagang napaka generous nila Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil lagi sila may naiisip para makatulong sa tao. A warm applause to Dingdong and Marian," aniya.

Ang galing naman ng advocacy ni Marian Rivera na magbigay ng breast milk sa mga nanay na meron problema sa gatas para sa kanilang mga anak Salve. Sa panahon ngayon, talagang napakahirap ng infant formula, either out of stock , or iyon nga, walang pambili. Pinaka practical talaga na iyon breast milk ng mga nanay ang ibigay sa anak, kaya nag-start ng give milk to babies si Marian para dun sa may sobrang gatas, ibigay sa mas may kailangan. Talagang napaka generous nila Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil lagi sila may naiisip para makatulong sa tao. A warm applause to Dingdong and Marian. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako

Isang post na ibinahagi ni LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) noong


Bukod sa pagdo-donate ng breast milk, ilang beses na rin nagluto at nag-donate si Marian ng pagkain para sa mga COVID-19 frontliners.

Samantala, frontliner na rin si Dingdong na bahagi ng kanyang tungkulin bilang isang Marine Reservist.