GMA Logo Marian Rivera at Dingdong Dantes
What's Hot

Lolit Solis, hanga sa married life nina Dingdong Dantes at Marian Rivera

By Dianara Alegre
Published November 26, 2020 2:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fans frustrated by long queues, ticket sales halt on day one of Australian Open
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera at Dingdong Dantes


Bakit nasabi ni Lolit Solis na “Bongga talaga ang naging blessing sa married life nila Dingdong Dantes at Marian Rivera”? Alamin DITO:

Napahanga si veteran showbiz columnist Lolit Solis sa married life ng Kapuso royalties na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Aniya, hands-on na asawa at ina si Marian at laging ikabubuti ng pamilya ang inuuna.

Marian Rivera

Source: marianrivera (IG)

“Ang sarap nga siguro na ang asawa mo very domesticated in the sense na marunong mag-alaga ng mga anak at pati pagluluto nagagawa pa, Salve.

“Siguro nga feeling ni Dingdong Dantes na kumpleto na ang buhay may asawa niya dahil si Marian Rivera tutok sa pag-aalaga sa mga anak nilang si Zia at Ziggy, at madalas na ito ang gumagawa sa kusina para sa mga pagkain ng pamilya,” aniya.

Matatandaang umurong sa seryeng First Yaya na dapat ay pagbibidahan niya si Marian dahil sa ilang linggong lock-in taping para rito. Dahil mapapawalay siya sa pamilya niya, ito ang naging rason para mag-back out ang aktres sa proyekto.

“Hanga naman ako na heto, talagang habang nagbi-breastfeed kay Ziggy pass muna si Marian sa sobrang trabaho sa TV maliban sa once a week taping ng 'Tadhana.' Tumanggi muna siya sa 'First Yaya' dahil hindi niya magagawang iwan si Zia at Ziggy lalo pa ngayon na quarantine period pa.

“Bongga talaga ang naging blessing sa married life nila Dindong Dantes at Marian Rivera, talagang family first ang naging motto nila para sa sarili, at iyon ang lalo pang nagbigay ligaya sa kanila. Bongga!” dagdag pa ng kolumnista.

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis)

Samantala, nitong Lunes, November 23, ay sinalubong ng panganay nilang si Zia Dantes ang 5th birthday nito.

Nagdaos ang pamilya ng simple ngunit memorable na party para kay Zia.

Dantes family

Dantes family

Source: marianrivera (IG)

Silipin ang quarantined life ng Dantes Squad: