GMA Logo Lolit Solis Kris Aquino Manny Pacquiao
What's Hot

Lolit Solis hints Kris Aquino's new project with Manny Pacquiao

By Cara Emmeline Garcia
Published June 18, 2020 10:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Louvre museum installs security bars on balcony used in October's heist
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Lolit Solis Kris Aquino Manny Pacquiao


Lolit Solis sa proyekto ni Kris Aquino, “Parang may hinala ako kung ano ang malaking pasabog [na] ito…”

Maraming fans ni Kris Aquino ang excited na sa sinabing “next chapter” ng talk show host at kabilang na rito ang entertainment columnist at personality na si Lolit Solis.

Kaya naman sa Instagram, ibinahagi ni Lolit ang kanyang hinala sa nasabing proyekto ni Kris at idineklara itong isang “malaking pasabog” ng Queen of All Media.

Dugtong ni Lolit, “Parang may hinala ako, Salve, kung ano ang malaking pasabog ni Kris Aquino. Kung tama ang bulong sa akin, mukhang may binabalak na talk show sila Champ Manny Pacquiao at Kris Aquino.”

Isinaad din ni Lolit ang kanyang suporta sa People's Champ na tumakbo sa susunod na halalan dahil may malasakit daw si Manny sa kapwa niya mahirap.

“Nasa puso ni Manny Pacquiao ang mahirap, malapit siya sa masa, higher position, okay lang. Open field naman ang pulitika,” aniya.

“Plus ito, iniisip nilang tambalan ni Kris Aquino sa isang talk show, very interesting ha. Wait tayo kung tama ang bulong sa akin, exciting.”

Parang may hinala ako Salve kung ano ang malaking pasabog ni Kris Aquino. Kung tama ang bulong sa akin mukhang may binabalak na talk show sila Champ Manny Pacquiao at Kris Aquino. At mukhang may katotohanan na marami ang kumukumbinsi kay Champ Manny na tumakbo sa mataas na posisyon. At kung sakali man tutoo , why not ? Nasa puso ni Manny Pacquiao ang mahirap , malapit siya sa masa , higher position , ok lang. open field naman ang pulitika. Plus ito iniisip nilang tambalan ni Kris Aquino sa isang talk show very interesting ha. Wait tayo kung tama ang bulong sa akin , exciting. #classiclolita #73naako #takeitperminutemeganun

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on


Noong mga nakaraang araw, isinaad din ni Lolit ang kanyang kahilingan na magbalik showbiz na si Kris Aquino dahil ito ang bagay na “gustong-gusto niyang gawin.”

Sambit pa niya, “'Pag naibalik ito sa kanya, iyon na ang ultimate ng happiness niya.

“Tama lang na nagpahinga siya, kasi nga inayos muna niya ang health niya, at siyempre iyon bonding time niya sa pamilya niya.

“Now ready na siya, handa na uli magbalik trabaho at mukhang malinaw ang message sa post niya, 'just wait for my announcement'... mukha ngang nakakakita ng fairy godfather si Kris Aquino, wait tayo sa big bang. Exciting.”

Sana nga Salve isang malaking pasabog iyon nakalagay sa post ni Kris Aquino na abangan ng lahat dahil malapit na, ang pagtulong sa kanya ng isang malapit na kaibigan ng pamilya upang muli siyang makabalik sa bagay na gustong-gusto niyang gawin. Iisa lang naman ang talagang gusto ni Kris Aquino, iyon career niya sa media. Pag naibalik ito sa kanya, iyon na ang ultimate ng happiness niya. Tama lang na nagpahinga siya, kasi nga inayos muna niya ang health niya, at siyempre iyon bonding time niya sa pamilya niya. Now ready na siya, handa na uli magbalik trabaho at mukhang malinaw ang message sa post niya, 'just wait for my announcement ' mukha ngang nakakita ng fairy Godfather si Kris Aquino, wait tayo for the big bang. Exciting. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on


Sa ngayon ay wala pang anunsyo si Kris tungkol sa nasabing proyekto ngunit ibinahagi na niya sa kanyang 4.6 million followers na mayroong “next chapter” sa kanyang buhay.

Kuwento ni Kris sa isang deleted post, “Very soon you'll know why my sisters and I were praying our thanks, and why my two sons were hugging me because they were so happy that their mama is excited about this next chapter in her life.

“To all of you who have been patiently waiting, and also praying with and for me -- malapit na. Thank you for also not giving up.”

Kris Aquino shows support to Willie Revillame, his birthday outreach

Lolit Solis pays tribute to late veteran actress Lilia Dizon