
Hopeful si Lolit Solis na mapapabilang si Sanya Lopez sa mga bagong artistang hahangaan ngayon dahil bibida ang Kapuso actress sa dalawang inaabangang programa sa GMA Network.
Napansin ni Lolit na maraming bagong programa ang naka-line up sa Kapuso network.
Aniya, “Inilabas na ng GMA7 ang line up ng mga bagong shows na aabangan ngayon February. Mukhang very promising ang Owe My Love dahil halo romcom at comedy.
"Pagkatapos, sure na ilalabas na rin ang First Yaya at Agimat ng Agila. Varied shows na sure ako magugustuhan ng mga viewers.
"Talagang before the pandemic pa inisip ang mga bagong palabas na naurong nga lang dahil sa nangyaring health problem ng COVID-19.
"Pero kahit pa nga nahirapan at lumaki pa ang gastos ng production, heto ngayon at ilalabas na ang mga bagong shows. Sana naman dahil free TV manuod ang lahat dahil talagang inaasahan na magiging maganda ang resulta ng mga bagong panuorin para sa lahat. New shows, exciting.”
Malaking bagay rin daw para sa career ni Sanya ang kanyang mga pagbibidahang programa.
Patuloy niya, “At sana nga maging daan para sa isang bagong star na hahangaan, si Sanya Lopez na suwerte at 2 agad ang primetime show na ilalabas, pareho pang top actor ang kasama, sila Bong Revilla at Gabby Concepcion. Lucky Sanya. Enjoy watching the new shows, para tuloy tuloy na ang paggawa ng mga bagong shows. Pati news pinalalakas na mabuti at pinagaganda ang visuals. Television is life, dahil nasa bahay lang, wala pang sinehan.”
Sa exclusive interview ni Sanya noon ay inamin na rin ng aktres na nagpapasalamat siya sa oportunidad na maipareha sa dalawang veteran actors.
Samantala, silipin kung sinu-sino pa ang mga lalaking bahagi ng buhay ni Sanya sa gallery sa ibaba: