
Maraming nagpaabot ng simpatiya at dasal para sa pamilya ng seasoned movie and TV actress na si Caridad Sanchez na may sakit na dementia.
Sa pamamagitan ng isang blog kamakailan, ibinahagi ng anak niyang si Cathy Babao na hindi madaling makita ang kanyang ina na humaharap sa ganitong pagsubok.
Sabi niya sa post, “My mother is fading. Day by day, week by week.
"It is the most difficult challenge of my adult life, next to losing my son.
"Anticipatory grief. This is what this is all over again.
Kaya ganun na lamang ang pag-alala ng veteran entertainment columnist na si Lolit Solis nang malaman ang lagay ng beteranang aktres.
Sa isang Instagram post, ikinuwento niya kung paano siya tinulungan ni Caridad matapos ang 1994 Manila Film Festival scam, na itinuturing ni Lolit na “darkest moment” sa kanyang buhay.
“Naalala mo ba iyon darkest moment ng kagagahan sa buhay ko, iyon ginawa kong filmfest scam?
“After na maganap iyon at magalit sa akin ang buong Pilipinas, tinawagan ako sa telepono ni Caridad Sanchez. Kino comfort niya ako, telling me not to despair, na galit man ang ibang tao sa akin tiyak niya na meron parin nagmamahal at may tiwala sa akin.
“Wala namatay, at ang guilt ko lang 'ninakaw' ko ang moment ng mga tunay na nanalo. Binibigyan niya ako ng words of encouragement, pinalalakas ang loob ko.”
Laking pasasalamat din ni Lolit kay Caridad nang bigyan siya ng Shih Tzu, na isang breed ng aso, para mayroon siyang pet.
Pagbabalik-tanaw ng dating Startalk host, “Tapos sabi niya 'ay alam ko na, bibigyan kita ng pet, para pag malungkot ka, sasaya ka' ,at pinadala niya sa akin ang isang ShihTzu puppy, ang unang una kong naging alagang dog. Siya din ang nagsabi na ipangalan ko sa dog ay Pokpok, dahil malikot at maingay ito. That time nagbi breed si Caridad ng mga ShihTzu.”
Naputol man ang ugnayan nilang dalawa, taos-puso ang pagtanaw ng utang na loob ni Lolit sa kabutihang ipinakita sa kanya ng magaling na aktres.
Sabi pa niya sa post, “I owe my second wind to Caridad Sanchez,”
Sinabi rin ni Lolit na kasama sa dasal niya sina Cathy Babao at kanyang ina, na nasa mahirap na sitwasyon ngayon.
Wika niya, “She gave me hope and light at my darkest time, she show me love and trust at my lowest. She started my love for dogs, and I will never ever forget that.
“I will always pray for her, and wish that she will overcome this dementia standing tall, with pride.
"Salute to her daughter na nagsabi na aalagaan siyang mabuti kahit na mahirap dahil mahal niya ang mother niya.
"You will always be in my prayers Caridad Sanchez , thank you for the love. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako.”
Nakasama si Caridad Sancez sa ilang malalaking TV series ng GMA Network tulad ng Darna (2005), MariMar (2007), at One True Love (2012).