
Todo ang hataw ng nag-iisang Comedy Concert Queen na si Aiai Delas Alas sa The Clash Christmas Special: Pasko Para Sa Lahat, kung saan kinanta ng award-winning comedienne ang isa sa hit song ng K-pop idol group na Blackpink.
Certified trending si Aiai sa Twitter nang kantahin niya ang "Lovesick Girls" ng Blackpink quartet.
Kung mayroon natuwa sa performance ni Aiai, may fans din ng K-pop group na dismayado sa ginawang production number ng Kapuso star.
Naglabas tuloy ng saloobin ang Startalk host at veteran columnist na si Lolit Solis sa mga taong labis na nagagalit sa magaling na comedienne.
Banat ni Many Lolit sa Instagram, “Katawa talaga iyon bashing kay Aiai de las Alas dahil sa nagalit mga fans ng Blackpink Salve.
Kung minsan hindi mo malaman kung bakit masyadong seryoso ang outlook sa buhay ng mga fans para hindi matanggap mga jokes regarding their idols.”
Naalala tuloy ng showbiz talkshow host nang ma-bash din ang Asia's Multimedia star na si Alden Richards nang sabihin nito na crush niya si Lisa Manoban ng Blackpink.
“Naalala ko [nang] i-bash nila si Alden Richards dahil lang sinabi nito na crush niya si Lisa na isang popstar ng Korea. Nalimutan nila na top matinee idol ng Pilipinas si Alden na sikat din at isa ngang karangalan na sabihin crush nito ang idol nila.”
May payo din si Lolit Solis sa Blinks na lawakan nila ang kanilang isipan. Blinks ang tawag sa fans ng Blackpink.
“Now, ginamit ni Aiai sa kanyang comedy act ang kanta ng idol nila, di ba patunay na sikat sila para gamitin ni Aiai na isa rin malaking pangalan dito sa Pilipinas?
“Hindi ba dapat natutuwa ka pag nagagamit iyon gawa ng idol mo? Kailangan talaga lawakan ng iba ang kanilang utak sa mga ganitong bagay. Imitation is the best proof that you are good, so matuwa , huwag magalit pag ginagaya noh!”
Nagsalita na rin si Aiai Delas Alas tungkol sa mga nagagalit sa performance niya sa The Clash Christmas Special: Pasko Para Sa Lahat.
Saad niya sa maikli niyang pahayag sa Instagram, “Blackpink ka pala e ...mga blinks pasensya na muntik ng d kayanin pero INILABAN KO NAMAN... ( apat naman sila na nakanta at nag ra-rap mag isa lang ako gumawa tulong naman) wohoooooo MERRY CHRISTMAS NALANG MGA KA BLINKS KO !!!!!!
Kung kailangan n'yo ng pampa-good vibes, balikan ang mga viral “memes” ni Aiai bilang fifth member ng all-female K-Pop quartet dito:
Related content:
Kapuso Watch: Cassy Legaspi reacts to BLACKPINK's "Lovesick Girls" music video
BLACKPINK's 'Ice Cream' hailed longest-charting Korean girl group song in Billboard's Hot 100