GMA Logo Andi Eigenmann and Philmar Alipayo
What's Hot

Lolit Solis, masaya para kay Andi Eigenmann

By Jansen Ramos
Published August 31, 2020 11:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 20, 2025) | GMA Integrated News
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Andi Eigenmann and Philmar Alipayo


Lolit Solis sa ikatlong pagbubuntis ni Andi Eigenmann: "Siguro nga ever since ito ang buhay na gusto ni Andi, tahimik, malayo sa city, simple." Read more:

Ipinahayag ng batikang showbiz writer na si Lolit Solis ang kanyang kasiyahan para sa aktres na si Andi Eigenmann. Ito ay matapos ianunsyo ni Andi sa kanyang YouTube channel kahapon, August 30, na siya ay buntis sa kanilang pangalawang anak ng Siargao surfer na si Philmar Alipayo.

Sinulat mo rin Salve na buntis na naman si Andi Eigenman. Siguro nga si Andi is happier to be a mother kesa sa career niya bilang artista. Tatlo na ang magiging anak niya pag isinilang niya ang baby ngayon sa sinapupunan niya. Sa tahimik at away from the city na Siargiao siya naka base kasama ang asawa at mga anak. Siguro nga eversince ito ang buhay na gusto ni Andi, tahimik, malayo sa city, simple. And to think na sa personalidad ni Andi Eigenman hindi mo iisipin na liligaya siya sa ganitong simpleng buhay. Happiness talaga in whatever form is your choice, kung saan ka maligaya, kung saan ang gusto mo at ano, iyon ang sundin mo. Thumbs up Andi. Great job. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

"Siguro nga si Andi is happier to be a mother kesa sa career niya bilang artista. Tatlo na ang magiging anak niya 'pag isinilang niya ang baby ngayon sa sinapupunan niya," bungad ni Manay Lolit.

Humanga rin ang manunulat sa desisyon ni Andi na tumira malayo sa siyudad para makasama si Philmar.

Andi Eigenmann with her family in Siargao

Ani Lolit, "Sa tahimik at away from the city na Siargiao siya naka-base kasama ang asawa at mga anak. Siguro nga ever since ito ang buhay na gusto ni Andi, tahimik, malayo sa city, simple.

"And to think na sa personalidad ni Andi Eigenman hindi mo iisipin na liligaya siya sa ganitong simpleng buhay."

Diin pa niya, "Happiness talaga in whatever form is your choice, kung saan ka maligaya, kung saan ang gusto mo at ano, iyon ang sundin mo.

"Thumbs up, Andi. Great job. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako"

Kasalukuyan ding naninirahan sa Siargao kasama ni Andi ang kanyang anak na si Ellie, 8, sa actor/model na si Jake Ejecito.

Noong July 2019, ipinanganak ng aktres ang panganay nila ni Philmar na si Lilo.