
Suportado ng veteran entertainment columnist at manager na si Lolit Solis ang pagbabalik Kapuso ng King of Talk na si Boy Abunda.
Matatandaang naging magkatrabaho ang dalawa sa Startalk noon. Isa pa sa ginawang show dati ng multi-awarded TV host with GMA-7 ay ang Show and Tell.
Ayon kay Manay Lolit, ramdam niya ang pagtitiwala ni Boy sa kanyang home network.
Post niya sa Instagram, “Bongga si Boy Abunda, Salve. Kapuso na siya uli, at type ko ang binigay na welcome sa kanya sa contract signing sa GMA7. Feel mo na happy ang lahat sa pagiging Kapuso ni Boy Abunda, at feel mo rin ang trust niya sa station.”
Pinuri din ng seasoned entertainment writer ang TV host na tiniyak niyang magkakaroon ng good working relationship sa kanyang makakasama sa programa.
“Parang ever since naman mula ng pumasok sa hosting si Boy Abunda ang GMA7 na ang bahay niya. Isang mabait na talent si Boy Abunda na mahal ng lahat ng staff ng anuman show na gawin niya. Very cool at generous kaya tuwang tuwa ang staff ng kanyang show.”
Dagdag niya, “Naku wait natin mga wardrobe na isusuot ni Boy Abunda, tiyak na isang fashion show ito at hindi kaya talbugan ng iba. Congrats kuya Boy, the long wait is over sa paghihintay na mapanuod ka uli sa TV.
“Abangan ko mga shirts mo, harbatin ko talaga, hah hah, ang mga signature outfit na hindi kaya talbugan ng kahit sino pa, bongga.”
Sa isang panayam, sinabi naman ng premyadong host na ibibigay niya ang lahat para sa GMA-7 at excited na ulit siya sa marami niyang matututunan bilang isang Kapuso.
Ani Boy, “Pupuhunanan ko ang panahon ko dito sa GMA-7, ng sipag, ng a lot of sense of wonder. I want to learn, I want to listen, but I want to be able to invent and reinvent, I'd like to be able to imagine and reimagine, and hopefully to come up with some things that are exciting.”
SILIPIN ANG HOMECOMING NI BOY ABUNDA SA KAPUSO NETWORK SA GALLERY NA ITO: