What's Hot

Lolit Solis, may komento sa balitang naputulan ng kuryente si Pokwang

By Loretta Ramirez
Published September 14, 2018 12:06 PM PHT
Updated September 14, 2018 12:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Artemis astronauts more than halfway to Moon, putting Earth in rearview
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Nag-react si Lolit Solis sa balitang naputulan ng kuryente ang komedyante na si Pokwang,

Sa kanyang Instagram post, hindi napigilan ni Nanay Lolit Solis na magbigay ng komento tungkol sa mga kumakalat na balita na naputulan daw ng kuryente ang komedyanteng si Pokwang.

"Kaloka Salve iyon balita na pinutulan ng kuryente si Pokwang. Naku 'di ba nangyari din iyan sa akin nang putulan ako ng Skyphone ng linya eh ito pa naman gamit ko sa Insta? Napaka-inconvenient kasi iyon nagkaroon ka ng 'cutting ceremony ' sa mga importanteng bagay sa buhay natin, kuryente, tubig at telepono, na napaka essential na sa buhay natin. Talaga nakaka-init ng ulo lalo pa nga ang dali nilang putulin pero ang tagal ikabit uli," ang panimulang salita ni Nanay Lolit.

Nag-alala rin siya sa kapakanan ng pamilya ni Powang, lalo na't may anak itong baby.

LOOK: Comedienne Pokwang gives birth to Baby Malia

"Eh lalo na si Pokwang na may baby, naku 'di ang init ng bahay niya na walang electric fan man lang na magagamit. Sana naman may enough time silang ibigay bago magputol ng service. Actually nga iyon akin may over payment pa ako pero pinutulan pa rin. Ay naku, talagang at the mercy tayo ng mga kumpanyang ito, wala kang magawa sa kanilang mga procedure. #instatalk #lolitkulit #71naako."

Kaloka Salve iyon balita na pinutulan ng kuryente si Pokwang. Naku 'di ba nangyari din iyan sa akin nang putulan ako ng Skyphone ng linya eh ito pa naman gamit ko sa Insta? Napaka-inconvenient kasi iyon nagkaroon ka ng 'cutting ceremony ' sa mga importanteng bagay sa buhay natin, kuryente, tubig at telepono, na napaka essential na sa buhay natin. Talaga nakaka-init ng ulo lalo pa nga ang dali nilang putulin pero ang tagal ikabit uli. Eh lalo na si Pokwang na may baby, naku 'di ang init ng bahay niya na walang electric fan man lang na magagamit. Sana naman may enough time silang ibigay bago magputol ng service. Actually nga iyon akin may over payment pa ako pero pinutulan pa rin. Ay naku, talagang at the mercy tayo ng mga kumpanyang ito, wala kang magawa sa kanilang mga procedure. #instatalk #lolitkulit #71naako (Photo from @itspokwang27)

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on


Sumang-ayon naman ang netizens sa sentimyento ng batikang showbiz reporter/manager.