GMA Logo  Lolit Solis and Vico Sotto
What's Hot

Lolit Solis, may komento sa love life ni Vico Sotto

By Cherry Sun
Published June 22, 2020 4:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jabari Smith Jr., Kevin Durant power Rockets past Pelicans
Bureau of Immigration arrests Estonian vlogger for harassing locals in PH
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade

Article Inside Page


Showbiz News

 Lolit Solis and Vico Sotto


Pansin ni Lolit Solis na marami ang nali-link kay Vico Sotto. Ano kaya ang kanyang palagay sa love life ng anak nina Vic Sotto at Coney Reyes?

Nagbahagi ng kanyang opinyon si Manay Lolit Solis ngayong marami ang nali-link sa binatang Pasig City mayor at anak nina Vic Sotto at Coney Reyes na si Vico Sotto.

Muling naging maingay ang usaping pag-ibig kaugnay kay Vico nang makita siya kamakailan kasama si Bea Alonzo. Nag-abot kasi ng donasyon ang aktres para sa Pasig City.

Maliban sa Kapamilya actress, tinukso na rin ng netizens si Vico kina Gretchen Ho at Donya Tesoro, ang dalagang alkalde ng San Manuel, Tarlac.

Pagmuni-muni ni Lolit tungkol dito, “Parang lahat excited sa lovelife ni Pasig Mayor Vico Sotto, Salve. Nuon magkatabi lang sila ni Gretchen Ho, na link na sila agad. Now si Bea Alonzo naman ang gustong i-link sa kanya dahil nga nagkasama sila sa isang fundraising ceremony. Bongga kasi pag binata ka at good-looking, at very good catch dahil isang achiever at a very young age si Mayor Vico.

“Parang si Cong. Roman Romulo nuon na lagi ini-link pero nang matagpuan ang kanyang the only one for me na si Shalani Soledad, iyon na, wedding agad. Baka ganyan din mangyari kay Vico Sotto, bigla may darating sa buhay niya na isang babae na mamahalin niya at pakakasalan. Wait tayo, huwag magmadali, take your time Mayor Vico , sure ako nandiyan lang sa tabi tabi ang future Mrs. Vico Sotto , bongga.”

Parang lahat excited sa lovelife ni Pasig Mayor Vico Sotto, Salve. Nuon magkatabi lang sila ni Gretchen Ho , na link na sila agad. Now si Bea Alonzo naman ang gustong i-link sa kanya dahil nga nagkasama sila sa isang fundraising ceremony. Bongga kasi pag binata ka at goodlooking , at very good catch dahil isang achiever at a very young age si Mayor Vico. Parang si Cong. Roman Romulo nuon na lagi ini link pero ng matagpuan ang kanyang the only one for me na si Shalani Soledad , iyon na , wedding agad. Baka ganyan din mangyari kay Vico Sotto , bigla may darating sa buhay niya na isang babae na mamahalin niya at pakakasalan. Wait tayo, huwag magmadali, take your time Mayor Vico , sure ako nandiyan lang sa tabi tabi ang future Mrs. Vico Sotto , bongga. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on


Noong Disyembre, biro ni Vico na kanyang pagmumultahin ang sino mang magtatanong tungkol sa kanyang love life.

Pag-amin din ni Coney, hindi niya tinatanong ang kanyang anak tungkol sa buhay-pag-ibig nito.

IN PHOTOS: Ang mga babae sa buhay ni Mayor Vico Sotto

READ: Mayor Vico Sotto, pagmumultahin ang magtatanong tungkol sa love life