
Bilang isang beterana sa industriya ng showbiz, marami nang nasaksihang namayagpag na careers at eskandalo si Lolit Solis over the years.
Sa isang Instagram post, confident na nagbigay ng predictions ang showbiz columnist tungkol sa mga nakikita niyang mangyayari sa industry this coming new year. Ano kaya ang mga ito?
Basahin ang kaniyang post below:
Para sa phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendozan na AlDub, mananatili raw na maganda ang takbo ng career ng dalawa.
Aniya, "First, kahit ano pa sabihin, AlDub will still be a team at mabawasan man konti popularity nila, they will remain on top. Wala pang naging kasing phenomenal nila ang pagsikat at iilan lang iyan [gaya ni] Nora and Tirso, Sharon and Gabby, John Lloyd and Bea, [at] Sarah, pero grabe ang ginawang bagyo nina Alden at Maine, sobra sa ingay at lakas. Nandoon iyong ugat at hindi puwede basta mamatay kahit mag solo sina Alden at Maine. Puwede uli magpalago sa ugat na natanim nila."
Mas lalo naman daw bubuti ang samahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes bilang isang married couple.
Ayon kay Manay Lolit, "Marian and Dingdong [ay] lalong titibay as married couple kahit ano mangyari sa paligid nila. They will be stronger loving each other [and] they will grow old together."
Dapat din daw abangan mga bagong pakulo ng Eat Bulaga this 2018.
"Ang Eat Bulaga makaka isip na man ng bagong portion at tatagal pa ng maraming taon as noontime show," sulat ng showbiz columnist.