What's Hot

Lolit Solis, nabiktima raw ng isang travel agent

By Gia Allana Soriano
Published February 25, 2018 3:39 PM PHT
Updated February 25, 2018 4:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

From CapQuin to KrysTon, here are the new duo formations in PBB Collab 2.0
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News



Papunta sana ng South Korea si Manay Lolit, kasama ang kanyang mga kaibigan sa industriya.  Ngunit ang dream Korean getaway ay muntik na nga raw maging "horror" dahil sa isang travel agent.

Papunta sana ng South Korea ang veteran entertainment columnist na si Lolit Solis, kasama ang kanyang mga kaibigan din sa industriya na sina Rose Garcia, Levinia Vivar Pabalan, at Salve Asis. Ngunit ang dream Korean getaway ay muntik na nga raw maging "horror" dahil sa isang travel agent.

Kuwento ni Manay, "First time ko maka-encounter ng isang unprofessional travel agent in the person of Imee Oro." Paliwanag niya, "Pagdating mo sa airport hindi kayo naka booked at wala kayo sa passenger list. At malaman mo pa na habang nasa eroplano kayo, saka lang binabayaran iyon hotel na titirahan ninyo na supposedly bayad na."

Dagdag pa ni Manay, "Pero ang mahirap hindi siya upfront sa dealing niya, wala pa akong na-encounter na isang travel agent na gumagawa ng sarili niyang istorya , and hindi ba ang isang travel agent dapat may word of honor dahil mostly sa honor system dumedepende ang business mo. Horror talaga ang naging experience ko kay Imee Oro at sa Las Vegas travel and tours , hindi ko pa na-encounter ang ganun klase ng treatment sa buong panahon na nagtra-travel ako."

 

Ang aking horror story about Imee Oro ng Las Vegas Travels & Tours. Pang-9 times na ako nakakapunta sa Korea kaya siguro binigyan na ako ng 3 years multiple entry na visa. Sa travels ko, marami na akong na encounter na mga kagagahan pero hindi nga kasi ako mareklamong tao kaya kung ano ang nandiyan ok lang, lalo pa nga madalas ang mga travels ko gratis con amore , mga regalo at bigay ng mababait kong sponsors kaya kung ano ang nandiyan, tanggap ko . Merong libre kang tiket, pero makikitira kayo sa bahay ng kakilala. Meron naman ang liit lang ng budget kaya ok lang backpack hotel. Meron lucky ka at 5 stars all expenses paid, meron maganda na hotel, full board meal na meron pang baon. Pero first time ko maka-encounter ng isang unprofessional travel agent in the person of Imee Oro , to think na asawa daw siya ni Gani Oro. Naloka ako na all set na sasakay ka sa Air Asia kinabukasan, bigla sa eve ng pag-alis mo sasabihin niyang PAL na ang plane n’yo . Ok lang , pero pagdating mo sa airport hindi kayo naka booked at wala kayo sa passenger list. At malaman mo pa na habang nasa eroplano kayo, saka lang binabayaran iyon hotel na titirahan ninyo na supposedly bayad na. (May karugtong) #instatalk #lolitkulit #70naako #jolitnomore???? #horrorstory

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

 

 

Pero ang mahirap hindi siya upfront sa dealing niya, wala pa akong na-encounter na isang travel agent na gumagawa ng sarili niyang istorya , and hindi ba ang isang travel agent dapat may word of honor dahil mostly sa honor system dumedepende ang business mo. Horror talaga ang naging experience ko kay Imee Oro at sa Las Vegas travel and tours , hindi ko pa na-encounter ang ganun klase ng treatment sa buong panahon na nagtra-travel ako. At dito ko lalong hinangaan ang pagiging cool ni Salve , all through out the ordeal kalmante siya, ginamit niya ang credit card niya para bayaran ang tiket sa counter dahil ayaw niyang mabigo si Vinia at Rose sa kanilang Seoul dream. Mabuti na lang at nandun si Lynette na binantayan ang booking sa Crown Itaewon , at ang height, si Marian Rivera na nagsabing huwag kaming ma-sad kahit siya na ang magbayad ng tiket namin. At si Alfred Vargas na nag-promise na tutulungan kami sa kaso namin kay Imee. Can you imagine , hiyain mo kaming apat sa airport na wala pala kaming booking , crazy. Sabi nga Sarah Duterte , you messed with the wrong woman , hay grabe , horror talaga. #instatalk #lolitkulit #70naako #jolitnomore???? @marianrivera @alfredvargasofficial @salveasis

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

 

Buti na nga lang daw at marami rin ang tumulong sa kanila. Aniya, " At dito ko lalong hinangaan ang pagiging cool ni Salve , all through out the ordeal kalmante siya, ginamit niya ang credit card niya para bayaran ang tiket sa counter dahil ayaw niyang mabigo si Vinia at Rose sa kanilang Seoul dream. Mabuti na lang at nandun si Lynette na binantayan ang booking sa Crown Itaewon , at ang height, si Marian Rivera na nagsabing huwag kaming ma-sad kahit siya na ang magbayad ng tiket namin. At si Alfred Vargas na nag-promise na tutulungan kami sa kaso namin kay Imee. Can you imagine , hiyain mo kaming apat sa airport na wala pala kaming booking , crazy. Sabi nga Sarah Duterte , you messed with the wrong woman , hay grabe , horror talaga."

 

Kaya nga payo ko kay Salve dapat laging maaga para lahat ng kailangan sa travel mo. Dapat hawak mo na tiket , voucher , transpo coupon o anuman kailangan. Hindi dapat late ang mga papeles , dahil habang maaga ma check kung mga valid ba mga binigay sa iyo documents. Imagine fake pala tiket ng Air Asia na binigay sa amin ni Imee Oro , hindi pa pala bayad ang hotel voucher , mali ang transfer coupon ng bus from hotel to airport , lahat fictitious dahil hindi pa bayad. How did Imee Oro travel agency got away with all this kapalpakan na according to her 12 years na ang operation ng kanyang agency ? Wala bang sanction sa mga ganitong operator lalo na sa panahong ito na pinasisigla natin tourism industry. hay naku , buti na lang cool sa Korea kaya naiwasan uminit ang ulo ko , thank you Mama Rams David na sobrang concern at panay tawag sa akin to check para hindi ako ma-high blood . Siguro isa pa ito sign na talagang putulin ko na Korean connection ko , naku ending na talaga. #instatalk #lolitkulit #70naako #jolitnomore????

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

 

 

Ang laki pa naman ng tiwala ko noong una kay Imee Oro dahil sabi nga asawa siya ni Gani Oro, isang journalist, radio announcer siyempre feeling safe ka dahil kasamahan sa trabaho , alam mo protektado ka hindi ka lolokohin , areglado lahat at imposible kang palpakin , pero hindi ganun nangyari. Heto nga mabuti na lang may credit card si Salve kung hindi kawawa kaming apat sa Seoul nila Vinia at Rose. Isa pang saviour si Lynette dahil nanduon din para alagaan kami , hay naku nightmare siya talaga, bad dream. #instatalk #lolitkulit #70naako #jolitnomore????

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

 

Sa huli ay naging okay din naman ang trip nila dahil sa pagtutulungan ng apat, at ng kani-kanilang showbiz friends. Aniya, "Heto nga, mabuti na lang may credit card si Salve kung hindi kawawa kaming apat sa Seoul nila Vinia at Rose. Isa pang saviour si Lynette dahil nanduon din para alagaan kami , hay naku nightmare siya talaga, bad dream."

(Bukas ang GMANetwork.com sa panig ni Ms. Imee Oro kung gusto niyang magbigay ng pahayag sa nasabing issue. )