GMA Logo lolit solis on covid19
What's Hot

Lolit Solis, nag-aalala sa lagay ng informal settlers sa gitna ng COVID-19 pandemic

By Aedrianne Acar
Published July 23, 2020 10:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

lolit solis on covid19


Lolit Solis on COVID-19: “Kahit mga ingat na ingat na tinatamaan pa rin di lalo na iyon mga informal settlers.”

Malinaw ang naging mensahe ng former Startalk host at veteran entertainment columnist na si Lolit Solis tungkol sa panganib na dulot na COVID-19.

Aniya, kung ang may pera at nag-iingat ay tinamaan ng COVID-19, paano pa kaya ang mahihirap natin mga kababayan.

Sa Instagram post ni Lolit last noong Lunes, July 20, nag-react ito sa balitang tinamaan din ng coronavirus ang award-winning Kapuso comedian at content creator na si Michael V..

Direk Bitoy Screenshot taken from Michael Vs vlog

Sabi niya, “Naku Salve ha , pati si Michael V positive narin sa covid 19.

"Ano ba iyan, kaloka, kahit mga ingat na ingat na tinatamaan parin di lalo na iyon mga informal settlers na tabi tabi ang bahay at sama sama sa isang maliit na kuwarto.”

Ayon kay Lolit, magiging mahirap sa mga nasa informal settlers na tumalima sa social distancing protocols lalo na at dikit-dikit ang kanilang mga tahanan.

Ani Lolit, “Kung iyon ngang ingat na ingat na at may means sa lahat ng health protocols nararating pa rin ni corona virus , di lalo na iyon kaya hindi makapag social distancing dahil talagang walang space, iyon kaya hindi makapag mask dahil nga nahihirapan pag may mask dahil sobra sa sikip ang lugar nila.”

Hiling niya na gumaling din agad si Michael V. sa COVID-19 sa madaling panahon.

“Naku, hindi pa lahat puwede uminom ng mga vitamins para lumakas ang immune system.

"Hay naku, hirap na talaga, mukhang magtatagal pa ito talaga. Get well soon Michael V.”

Naku Salve ha , pati si Michael V positive narin sa covid 19. Ano ba iyan , kaloka , kahit mga ingat na ingat na tinatamaan parin di lalo na iyon mga informal settlers na tabi tabi ang bahay at sama sama sa isang maliit na kuwarto. Kung iyon ngang ingat na ingat na at may means sa lahat ng health protocols nararating parin ni corona virus , di lalo na iyon kaya hindi makapag social distancing dahil talagang walang space , iyon kaya hindi makapag mask dahil nga nahihirapan pag may mask dahil sobra sa sikip ang lugar nila. Naku , hindi pa lahat puwede uminom ng mga vitamins para lumakas ang immune system. Hay naku , hirap na talaga , mukhang magtatagal pa ito talaga. Get well soon Michael V. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) may 72,269 cases na ng COVID-19 sa bansa at 23,623 naman ang naka-recover.

Sa kasamaang-palad may naitalang 1,843 na namatay dahil sa virus.

Michael V., positibo sa COVID-19

Michael V., biktima ng death hoax habang nagpapagaling mula sa COVID-19

Michael V., inilahad ang COVID-19 symptoms na kanyang naramdaman