
Unti-unti nang napapanood ang new normal sa showbiz at pansin ito ni Lolit Solis lalo na sa Eat Bulaga.
Sambit ni Lolit sa kanyang Instagram post, natatanggap na ng mga manonood ang mga kinailangang pagbabago sa TV production.
Aniya, “Kahit mga viewers, Salve, adjusted na rin sa panunuod ng mga shows na walang audience. Iyon kung minsan meron pang mask ang mga performers na inaalis na lang pag kakanta sila. Adjusted narin sila manuod ng mga Zoom na eksena, at mga tele conferencing. Maraming adjustments na nuon una asiwa ka, pero later, natatanggap na rin ng maluwag ng mga manunuod."
Isa ang Eat Bulaga sa mga matagumpay na nagpairal ng new normal dahil sa kanilang limitadong bilang ng tao sa studio, pagsusuot ng safety gear, at pati na ang paggamit ng giant body shields para sa segment na 'Bawal Judgmental.'
Pagpuna ni Lolit, kahit working from home ang ilang Eat Bulaga dabarakds ay mas hinusayan naman nila ang kanilang trabaho.
Patuloy niya, “Bongga nga ngayon, parang casual na casual sila Vic Sotto at Joey de Leon. Mas maganda pa nga iyon mga interaction nila habang naka Zoom sila Vic at Joey , at nasa studio naman iyon ibang hosts. Malaki din ang adjustment sa new normal , pero parang ok na ang lahat, tanggap na.”
IN PHOTOS: Ang unang araw ng balik-studio ng Eat Bulaga dabarkads
IN PHOTOS: How celebrities are preparing for the 'new normal'
IN PHOTOS: Celebrities resume outdoor activities and experience the "new normal"