
Ikinalulungkot umano ni Lolit Solis ang kalagayan ni Donita Nose dahil tinamaan ito ng COVID-19.
Ayon kay Lolit dama niya ang hirap ni Donita na naghihintay ng kuwarto sa isang ospital habang may karamdaman.
Dugtong niya ay sana gumaling na si Donita.
"Sana naman maayos na ang kalagayan niya, magkaruon na ng kuwarto , at gumaling si Donita Nose. Napakasipag sa trabaho at very professional, sana malagpasan niya ang pangyayaring ito sa buhay niya."
Dasal niya pa ay tuluyan nang magtapos ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
"My God, talagang alarming na ang covid 19, left and right na ang casualty , dapat na talagang mahinto ito, please God, HELP us . #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako"