GMA Logo Lolit Solis
What's Hot

Lolit Solis, namaalam na sa kanyang Instagram account

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 1, 2025 7:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bangkay ni ex-DPWH Usec. Cabral, nais nang makuha at maiuwi ng kaniyang mister
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Lolit Solis


Inanunsyo ni Lolit Solis na siya ay magreretiro na sa pagsusulat at ititigil na ang kanyang columns at Instagram account.

Hindi na gagamitin ng batikang showbiz column at talent manager na si Lolit Solis ang kanyang Instagram ngayong 2025.

Sa kanyang post noong December 29, sinabi ni Lolit na magiging semi-retired na siya sa pagsusulat.

Aniya, "Salve, nag decide na ako na talagang hanggang December 31 na lang ang IG ko. Mentally tired na ako talaga at parang ayaw ko na talaga muna sagarin ang utak ko. No need to prove anything or be transparent on how I feel."

"Para ngang kung minsan sawsawera pa ang dating ko. Basta I feel completely happy this Christmas."

Ayon kay Lolit, siya na lang sa kanyang mga kaibigan ang natitira pa sa showbiz kaya gusto na niyang magretiro habang ini-enjoy niya pa ang ginagawa niya.

"It's about time I retire dahil ako na lang sa barkada namin ang natitira. I feel empty kung minsan at hindi ko na ma grasp ang mga nangyayari. Time to stop while still enjoying.

"Good bye, and thank you very much for the friendship and patronage. All my LOVE."

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)