
Hindi maitanggi ni Lolit Solis ang kanyang panghihinayang kung mauwi nga sa hiwalayan ang pagsasama nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.
Nitong mga nakaraang araw, ilang cryptic posts ang ibinahagi nina Kylie at Aljur kaya't napapaisip ang kanilang fans at followers kung naghiwalay na ba ang celebrity couple. At dahil sa kumakalat na balita, napakomento na rin si Lolit.
Aniya, “Sayang naman Salve iyon pagsasama nila Kylie Padilla at Aljur Abrenica na may 2 ng anak kung mauuwi lang sa hiwalayan. To think na nuon BF/GF sila ilang beses na rin nag on the rocks ang kanilang relasyon pero nagawa nilang ayusin at nauwi nga sa pagpapakasal nilang dalawa. Baka naman medyo pressured lang ang dalawa, baka naman maayos din at mag-decide na together, they can handle all odds. Isa sa pinakamagandang couple sa showbiz sila Kylie at Aljur, puwedeng mga bata pa sila kaya nao-overwhelmed sa mga hinaharap na problema, pero sana malagpasan nila ito.”
Nananalig pa rin ang batikang talk show host at talent manager na sa huli ay magkakaayos ang mag-asawa.
“Mukha maman matapang si Kylie sa pagharap sa mga naging problema nila, si Aljur naman mukha din matatag dahil ang dami na rin hinarap na obstacles sa buhay lalo na sa kanyang career. Kaya pray natin, kawawa naman iyon 2 bata kundi makaya ng mga parents nila ang hinaharap na problema. Sandali lang iyan, palagpasin nyo lang, maayos din. Basta, together, stronger kayo, just hold each other hands, kayang kaya iyan.”
Sina Kylie at Aljur ay ikinasal noong December 2018. Ang kanilang pagsasama ay nabiyayaan ng dalawang anak, sina Alas Joaquin at Axl Romeo.
Silipin ang kanilang buhay habang naka-quarantine sa gallery na ito: