Naniniwala ang batikang showbiz reporter/host na nakatulong ng malaki kay Paolo Contis ang kaniyang partner na si LJ Reyes. "Paolo, live your life now with confidence and no fear, andiyan na si LJ to light your life.”
Hanga ang former Startalk host na si Lolit Solis sa transformation ng Bubble Gang comedian na si Paolo Contis bilang isang leading man.
Maraming magagandang reviews ang natanggap ni Paolo nang bumida siya kasama ang award-winning actress na si Alessandra de Rossi sa movie na 'Through Night and Day.'
Sa Instagram post ng batikang showbiz writer/columnist, sinabi nito na hindi matatawarang ang husay ni Paolo sa 'drama.'
Saad ni Lolit, “Happy ako nandun si Paolo Contis na very good in comedy at hindi rin matatawaran pagdating sa drama dahil ang ganda ng mga review ng movie nila ni Alexandra de Rossi na shoot pa sa Iceland. Siguro kung si Paolo Contis ay seryoso at nasa career ang focus, mas nagiging matatag pa siyang artista, but being young and carefree, marami siyang mga nagawa na naging balakid sa patuloy niyang pagtaas bilang actor.”
Naniniwala din ang Startalk host na nakatulong ng malaki kay Paolo ang kaniyang partner na si LJ Reyes.
Paliwanag niya, “But now with LJ Reyes mukha naman stable na siya emotionally, nakita na niya ang people chemistry na hinahanap niya, or baka naiwasan na niya ang ibang tao na naging 'malas' sa buhay niya nun.
“Sana nga ay tuloy-tuloy na ang pagtaas ni Paolo, sana nga tuloy na rin pagiging tahimik ng buhay niya, kasi napakabait niyang tao. Sayang kung hindi maging maganda buhay niya. Sige Paolo, live your life now with confidence and no fear, andiyan na si LJ to light your life.”