What's Hot

Lolit Solis, naniniwalang walang mean bone si Kris Aquino

By Bianca Geli
Published January 8, 2019 4:15 PM PHT
Updated January 8, 2019 6:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Filipino sustainability champion named to World Economic Forum's Young Global Leaders 2026
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Sa recent post ni Lolit Solis, nagbigay ito ng pahayag tungkol sa kanyang pananaw sa issue na kinasasangkutan ng Queen of All Media na si Kris Aquino. Read more.

Naging madamdamin ang post ng showbiz reporter na si Lolit Solis tungkol sa Queen of All Media na si Kris Aquino.

Lolit Solis on Kris Aquino
Lolit Solis on Kris Aquino


Ani Lolit, “Hay Salve, lalo ako nahihilo 'pag may mga ganap kay Kris Aquino. Kasi sa tagal namin nagkasama noon ni Kris, alam ko na kung minsan impulsive siya at bigla kung gumawa ng desisyon but I will always stand by my belief na wala siyang mean bone.”

Kris Aquino admits fault on blaming her ex-business manager for her illness

https://www.instagram.com/p/BsW5EnhH8DV/

“Totoo na maarte siya, tackless, at kung minsan nakakasakit ng feelings dahil nga sinasabi what she thinks and feel na hindi niya alam nakaka-offend kung minsan pero para naman wala siya malisya 'pag sinabi at ginawa iyon.”

Dagdag ni Lolit, kahit pa nagkakaroon sila ng 'di pagkakasundo paminsan ni Kris ay nananatili pa rin ang respeto nila sa isa't isa.

“Kami ni Kris live, love and hate ang relationship pero I will say na may soft spot kami sa isa't isa. Or kahit pa nga sometimes nasasaktan namin ang feeling, nandun pa rin ang respeto.”

Pinuri rin ni Lolit si Kris sa pagiging tapat. “One thing I can say, hindi si Kris ang tipo na magbibintang ng basta-basta to put one down, kaya 'pag sinabi niya sure ako lalo at sensitive na issue na tutoo iyong bintang niya.”

READ: Lolit Solis, ikinalungkot ang pagkakaroon ng lupus ni Kris Aquino

Naghayag din si Lolit ng pagnanais n asana gumaling na si Kris sa mga sakit nito.

“Ay naku, buti na lang kaya na ni Kris ngayon to fight on her own kasi mukhang habang tumatanda siya nagkakapatong-patong ang problema niya. At iyon sakit niya, sana maayos na. Totoo naman iyon feeling niya as a mother, paano at sino titingin sa mga anak niya kahit pa nga may maiiwan siya. Bata pa si Bimby at special si Joshua.”

“Naku Kris, fight lang, kung iyon nga problema sa puso kaya mo, kaya mo rin ito. Mukha ka lang fragile pero fighter ang loob mo. Head on, fight. #lolitkulit #instatalk #71naako @krisaquino”