What's Hot

Lolit Solis on Alden Richards: "Jackpot ang magiging Mrs. Alden Richards"

By Cherry Sun
Published October 21, 2018 11:01 AM PHT
Updated October 21, 2018 11:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mister, hinabol ni misis na armado ng itak sa Northern Samar
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News



Ayon sa beteranang showbiz manager at reporter, napakasuwerte raw ng mapupusuan ni Alden Richards dahil sobrang responsible ng aktor.

Isang katangian ang hinahangaan ni Lolit Solis kina Alden Richards at Coco Martin. Ano nga ba ang pagkakapareho ng dalawang aktor?

Ani Lolit, saludo siya sa pagkaresponsable nina Alden at Coco sa kabila ng tinatamasa na nilang tagumpay.

Paliwanag niya, “Imagine ha sa popularidad nila, sa mga achievement nila, sa dami ng mga kinikita nila, nagagawa nila na focus muna sila sa trabaho at wala munang lovelife. Trabaho nila at propesyon ang pinagbibigyan nila ng oras, iyon munang mga pangarap nila na gustong matupad, huwag muna magkaroon ng distraction.”

Palagay rin ng beteranang talk show host at manager na may napupusuan ang dalawang aktor ngunit isinasangtabi muna nila ito dahil iba ang kanilang priority.

Wika niya, “Sure ako na sa puso nila may gusto din sila itangi, pero sa ngayon gusto muna nila na matatag na buhay, iyon malaking ipon at stable na sila pagdating ng panahon. At kung sakali hintayin sila ng kanilang minamahal suwerte nila dahil responsible man ang hinintay nila. Responsible man in the sense na uunahin muna ang stability kaysa sa panandaliang ligaya.”

“Jackpot ang magiging Mrs. Coco Martin at Mrs.Alden Richards,” sambit din niya.

Alam mo ba na hangang-hanga ako kay Coco Martin at Alden Richards, Salve. Imagine ha sa popularidad nila, sa mga achievement nila, sa dami ng mga kinikita nila, nagagawa nila na focus muna sila sa trabaho at wala munang lovelife. Trabaho nila at propesyon ang pinagbibigyan nila ng oras, iyon munang mga pangarap nila na gustong matupad, huwag muna magkaroon ng distraction. Para silang Korean superstars na kung iisipin mo mga edad 40 na, binata pa rin. Dito nga sa atin nakapagtataka kung bakit kailangan may lovelife agad ang artista. Gusto nila magkaroon para daw exciting. Iyon mga Koreano mahigpit sa mga artista, kaya hindi puwede na nagiging unprofessional dahil sa bf/gf. Trabaho, trabaho. Kaya siguro iyon disiplina nila grabe. Tingnan mo si Sandara, nun dito ang career dapat may loveteam. Nung nasa Korea wala, ni ayaw ma link eh 36 years old na dahil takot sa management niya na ayaw muna na may boyfriend siya. Hay naku, sure ako may mga inspirasyon din sila Coco at Alden. Sure ako na sa puso nila may gusto din sila itangi, pero sa ngayon gusto muna nila na matatag na buhay, iyon malaking ipon at stable na sila pagdating ng panahon. At kung sakali hintayin sila ng kanilang minamahal suwerte nila dahil responsible man ang hinintay nila. Responsible man in the sense na uunahin muna ang stability kaysa sa panandaliang ligaya. Jackpot ang magiging Mrs. Coco Martin at Mrs.Alden Richards. Lucky, very lucky. #instatalk #lolitkulit #71naako ❤️ @mr.cocomartin @aldenrichards02

Isang post na ibinahagi ni LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) noong