GMA Logo lolit Solis and Bianca Umali
What's Hot

Lolit Solis on Bianca Umali: "Inggit lang sila sa beauty mo"

By Cara Emmeline Garcia
Published July 28, 2020 2:03 PM PHT
Updated July 28, 2020 2:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Drone strikes on Sudan kindergarten, hospital kill dozens —local official
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu
XG's Cocona undergoes top surgery, comes out as AFAB transmasculine non-binary

Article Inside Page


Showbiz News

lolit Solis and Bianca Umali


Dinepensahan ni Lolit Solis si Bianca Umali sa body shamers nito online.

Binatikos ni entertainment columnist Lolit Solis ang mga basher ni Kapuso actress Bianca Umali matapos magpost siya ng isang selfie na sa tingin ng karamihan ay sobrang payat nito.

Pero saad ni Lolit, “Ewan ko ba bakit parang hindi mo na alam kung ano dapat ang body weight mo, dapat ba mataba ka o payat ka?

“Ang sexy naman ni Bianca doon sa photos niya na naka-bikini siya, baka naman talagang gusto niya lang mas payat pa siya.”

Bitiw pa ng former talk show host, “Hindi ko alam kung bakit violent ang reaction ng mga nakakita ng post niya. So what kung sobra payat basta healthy siya, 'di ba?”

Saad ni Lolit na mas higit na nakakaalam si Bianca sa kanyang katawan kaysa sa netizens.

Kaya payo niya sa lahat, “Pabayaan natin siya 'no!

“At Bianca, hayaan mo lang ang mga negative comment. Huwag mong pansinin. Beauty ka pa rin kahit payat o mataba. Kaya go lang kung alin ang mas gusto mong timbang.

“Inggit lang sila sa beauty mo.”

Panay daw body shaming kay Bianca Umali Salve dahil mukhang payat na payat lately sa kanyang mga IG post. Ewan ko ba bakit parang hindi mo na alam kung ano dapat ang body weight mo, dapat ba mataba ka o payat ka ? Ang sexy naman ni Bianca duon sa mga photos niya na naka bikini siya, baka naman talagang gusto niya lang na mas payat pa siya. Hindi ko naman alam bakit violent ang reaction ng mga nakakita ng post niya, so what kung sobra payat basta healthy siya di ba ? Si Bianca Umali ang mas may alam ng katawan niya , siya ang dapat mag ingat , siya ang dapat makaramdam kung medyo unhealthy na. Pabayaan natin siya noh, at Bianca hayaan mo lang mga negative comments, huwag mo pansinin, beauty ka parin kahit payat o mataba, kaya go lang kung alin mas gusto timbang. Inggit lang sila sa beauty mo. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako

Isang post na ibinahagi ni LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) noong

Naging usap-usapan ang katawan ni Bianca Umali kamakailan sa internet pagkatapos magpost siya ng kanyang tila fresh out of the shower look.

Kapansin-pansin sa larawan, ayon sa mga netizen, ang pagpayat ni Bianca kaya naging negatibo ang komento nito sa Kapuso actress.

M•A•C Powder Kiss in "Devoted to Chili" 💋 Celebrating #NationalLipstickDay early with @maccosmeticsph ! Join us by getting your favorite Powder Kiss "Mull It Over" and "Devoted To Chili" set with a FREE M•A•C Maker Maine lipstick for only 1,800 pesos for ALL THREE lippies!! Comes with personalization stickers too! 🖤 (swipe up! on the link in my latest IG story)

Isang post na ibinahagi ni Bianca Umali (@bianxa) noong

Maliban kay Lolit, marami-rami din ang dumepensa sa 20-year-old actress at kabilang na diyan si Ruru Madrid na nagsaad ng kanyang saloobin sa comments section nito.

Wika ng aktor, “I don't know what's wrong with people right now?

“Parang ang dami laging opinyon ng mga tao. Sa totoo lang mas masakit na kung sino pa 'yung mga kababayan o 'di kaya mga kalahi natin, sila pa 'yung nag da-down sa atin.

“Sana wala ng ganun, sana sinusuportahan nalang natin ang isa't isa.”