What's Hot

Lolit Solis on DongYan's growing family: "Mahal ng langit ang mag-asawa"

By Cherry Sun
Published September 26, 2018 12:08 PM PHT
Updated September 26, 2018 12:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Fingerprints' of black hole's event horizon detected for first time
Tagbilaran City Police, Gimanduan sa Pag-imbentaryo sa Tanang Service Firearms | Balitang Bisdak
Local fast food giant scores double victory at PR Awards Asia-Pacific for Gaming and Literacy Campaigns

Article Inside Page


Showbiz News



Masaya ang beteranong showbiz manager at talk show host na si Lolit Solis sa paparating na blessing sa buhay nina Marian Rivera, Dingdong Dantes at Baby Zia.

Masaya ang beteranong showbiz manager at talk show host na si Lolit Solis sa paparating na blessing sa buhay nina Marian Rivera, Dingdong Dantes at Baby Zia ngayong nagdadalang-tao ang Kapuso Primetime Queen.

Kuwento ni Lolit sa kanyang Instagram post, “May kapatid na si Zia at tuwang-tuwa ang lahat dahil mukhang magaan magdala ng pregnancy si Marian, maaliwalas at masaya ang mukha niya, at ang ganda-ganda niya. Motherhood really makes a woman complete. Iyon ibigay ang blessing na iyon kina Dingdong at Marian, ang gandang gift from above. Gusto ko rin iyong pahayag ni Dingdong, hindi muna siya sasabak sa pulitika, mas priority niya ang pag-aalaga at security ng pamilya niya, bago harapin ang ibang bagay.”

Naniniwala rin siyang deserving sila sa magandang itinatakbo ng kanilang buhay at pamilya. Aniya, “Hay naku, talagang mahal ng langit ang mag-asawa kasi nga mabait silang tao, anak at magulang ng sarili nilang anak. Congrats, Dantes family, we love you Marian ang Dong, welcome to your coming baby, at more love for Zia.”

Tuwang-tuwa naman ako Salve at official ng ibinalita nila Marian Rivera at Dingdong Dantes ang pagbubuntis ni Marian. May kapatid na si Zia at tuwang-tuwa ang lahat dahil mukhang magaan magdala ng pregnancy si Marian, maaliwalas at masaya ang mukha niya, at ang ganda-ganda niya. Motherhood really makes a woman complete. Iyon ibigay ang blessing na iyon kila Dingdong at Marian, ang gandang gift from above. Gusto ko rin iyon pahayag ni Dingdong, hindi muna siya sasabak sa pulitika, mas priority niya ang pag-aalaga at security ng pamilya niya, bago harapin ang ibang bagay. O di ba, walking tall! Talaga isang gentleman, good husband at perfect father si Dong. Ang galing galing ng kanyang maturity at wisdom. Hay naku, talagang mahal ng langit ang mag-asawa kasi nga mabait silang tao, anak at magulang ng sarili nilang anak. Congrats Dantes family, we love you Marian ang Dong, welcome to your coming baby, at more love for Zia. @marianrivera @dongdantes #instatalk #classiclolita #71naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on