What's Hot

Lolit Solis on Typhoon Ompong: "Premonition ng bad things coming our way"

By Catherine Doña
Published September 15, 2018 12:36 PM PHT
Updated September 15, 2018 1:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Easter Vigil at Manila Cathedral | GMA News
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival

Article Inside Page


Showbiz News



"Ayokong isipin na para bang sign ito ng kung ano or premonition ng bad things coming our way." -Lolit Solis on Typhoon Ompong

Habang binabayo ng Typhoon Ompong ang hilagang bahagi ng Luzon, binabayo rin ng realisasyon si Lolit Solis tungkol sa kalikasan.

Ani ng showbiz writer at manager sa kanyang Instagram post, "Parang ngayon ko lang naranasan ang ganun kalakas na hangin. Sobra 'yung ihip, iyong hissing sound.

"Grabe ha, I can just imagine dun sa mga open spaces kung gaano ang impact ng hangin."

Dagdag pa ni Lolit, ang bagsik ng bagyo na ito ay tila isang sign ng masamang mangyayari sa hinaharap.

"Ayokong isipin na para bang sign ito ng kung ano or premonition ng bad things coming our way."

Sinabi rin niya na oras na para pansinin natin ang mga environmental issues na nakakaapekto sa ating mundo.

"Pero with all this phenomenon happening around the world, siguro nga dapat na tayong maging seryoso sa climate change, sa pag-aayos ng environment, sa pag-iingat ng mga bagay-bagay ng nature.

"'Yung narinig ko about Sierra Madre kung paano nagiging protector ito laban sa hangin at bagyo, kailangan pala na ingatan natin mabuti ang bundok na ito.

"Iyon paglilinis ng mga ilog, para maiwasan ang baha, ang quarry at pagputol ng mga puno."

Sa huli, nananalig pa rin si Lolit na kaya pa rin nating baguhin ang ating mga gawi upang isalba ang kalikasan.

"Sana hindi pa huli para sa ating lahat. Kasi naman human nature na natin lahat, 'pag andiyan ang panganib saka lang mag-iisip, saka lang matatakot.

"God is already showing us signs, we must listen now. Katakot talaga. Sana wala naman masyadong pinsala. Sana napaghandaan naman mabuti. God help us more."

READ: Lolit Solis, may komento sa balitang naputulan ng kuryente si Pokwang

(Image from the internet ) Naku Salve ha, parang ngayon ko lang naranasan ang ganun kalakas na hangin. Sobra 'yung ihip, iyong hissing sound. Grabe ha, I can just imagine dun sa mga open spaces kung gaano ang impact ng hangin. Ayokong isipin na para bang sign ito ng kung ano, or premonition ng bad things coming our way. Pero with all this phenomenom happening around the world, siguro nga dapat na tayong maging seryoso sa climate change, sa pag-aayos ng environment, sa pag-iingat ng mga bagay-bagay ng nature. 'Yung narinig ko about Sierra Madre kung paano nagiging protector ito laban sa hangin at bagyo, kailangan pala na ingatan natin mabuti ang bundok na ito. Iyon paglilinis ng mga ilog, para maiwasan ang baha, ang quarry at pagputol ng mga puno. Sana hindi pa huli para sa ating lahat. Kasi naman human nature na natin lahat, pag andiyan ang panganib saka lang mag-iisip, saka lang matatakot. God is already showing us signs, we must listen now. Katakot talaga. Sana wala naman masyadong pinsala. Sana napaghandaan naman mabuti. God help us more. #instatalk #lolitkulit #71naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on