GMA Logo Lolit Solis and Xian Lim
Photo from Lolit Solis and Xian Lim (IG)
What's Hot

Lolit Solis, pinag-ingatan ang celebrities na magpakita ng mamahaling gamit sa social media

By Jansen Ramos
Published January 10, 2021 1:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spikers’ Turf: Savouge forces Game 3 vs Criss Cross in Open Conference finals; Cabstars bag bronze
Iloilo implements “heat stroke break” among traffic enforcers
Marian Rivera's French designer bag is simply elegant

Article Inside Page


Showbiz News

Lolit Solis and Xian Lim


Sa panahon kung kailan maraming artista ang pinapasok ang pagba-vlog, kailangan daw pag-ingatan ng mga ito ang pagpapakita ng ari-arian sa mga house tour vlog para sa kanilang seguridad ayon sa batikang entertainment writer na si Lolit Solis.

Isang aral hindi lang para sa mga celebrity kung 'di sa lahat ng indibwal ang naganap na pagnanakaw sa bahay ng aktor na si Xian Lim.

Ayon sa huli, apat na katao ang pilit na nanloob sa kanyang bahay at ninakaw ang ilan sa mga mamahalin niyang gamit gaya ng TV at computer.

Sa panahon kung kailan maraming artista ang pinapasok ang pagba-vlog, kailangan daw pag-ingatan ng mga ito ang pagpapakita ng ari-arian sa mga house tour vlog para sa kanilang seguridad ayon sa batikang entertainnment writer na si Lolit Solis.

Saad niya sa isang Instagram post ngayong araw, January 10, "Kaloka naman nangyari kay Xian Lim, Salve.

"Napag nakawan ang bahay niya dahil na plano daw mabuti ng magbigay ng house tour sa kanyang Facebook/Vlog sa social media.

"Iyan na nga isang nakakatakot pag ganyan nakikita na ng lahat iyon lugar mo, at hindi pa gaano kahigpit ang security, nagiging madali ang paghahanda ng magnanakaw kung paano pasukin ito.

"Siguro nga ganuon na lang ang takot na nadama ni Xian Lim ng pagnakawan ang bahay niya, iyon feeling na any moment pala puwede meron pumasok, iyon dapat talaga maging mahigpit sa security at magkaruon ng bantay 24/7 araw at gabi."

Saad pa ni Manay Lolit, "Hay naku, ingat ingat dahil iba ang panahon ngayon."

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Sa hiwalay na post, ipinaalala ng manunulat na huwag nang magbigay pa ng detalye tungkol sa mga mamahaling gamit para hindi na ito mag-udyok sa mga masasamang loob na magnakaw.

Saad ni Lolit, "Pati iyan pagpapakita ng bag o shoe collection, lalo na ang alahas, Salve, dapat ingat ingat din.

"Parang tukso iyan sa mga magnanakaw dahil alam na nila ang mga puwede kunin sa bahay mo, alam na nila kung nasaan, kung alin ang iiwasan nilang mga bagay.

"Ang tatalino pa naman ng mga magnanakaw na kahit sa social media kaya na nila pag aralan ang mga gagawin.

"Huwag na tayo mag temp o magbigay tukso.

"Sa hirap ng buhay ngayon, sa dami ng walang trabaho, puwede na kahit anong bagay magawa mo para mag survive.

"Kung ikaw mismo nagbibigay motibo dahil ipinapakita mo ang mga mamahalin bagay na meron ka, iyon na, puwede ngang manakawan ka.

"Mabuti kung nakaw lang, baka mamaya meron mas grabe mangyari, mas nakakalokah, ingat ingat."

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Bukod kay Xian, ilan sa mga artistang nabiktima rin ng pagnanakaw sina Aiai Delas Alas, Barbie Forteza, at Vina Morales.

Alamin kung ano ang nangyari sa kanila at kung papaano maiiwasan ang ganitong insidente sa gallery na ito: