
Ipinost ng batikang showbiz writer na si Lolit Solis sa Instagram ang kanyang mga sentimiyento ukol sa kontrobersyal na kasalan nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.
Inihalintulad ni Manay Lolit sina Sarah at Matteo sa celebrity couple na sina Megan Young at Mikael Daez na nakuhang itago ang detalye ng kanilang kasal sa publiko.
Sambit ng entertainment columnist, "Wow, Salve. Uso na talaga ngayon ang biglaang kasalan na hindi mo aakalaing magagawa ng celebrities. Nagawa nila Mikael Daez at Megan Young na nagpakasal na hindi alam ng publiko ang detalye, at kahit nakaabang na ang lahat at nakabantay, nagawa pa rin nila Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na gulatin ang publiko nang magpakasal sila."
Bago ang kasalan, kumalat sa social media na abala si Sarah sa kanyang taping para sa isang show mula umaga hanggang hapon ng February 20.
Nagulantang ang publiko matapos pumutok ang umano'y isyu ng panununtok ng aktor sa close-in security detail ni Sarah na si Jerry Tamara sa mismong civil wedding nila na naganap sa isang luxury hotel sa Bonifacio Global City.
Base sa ulat, nakarating kay Mommy Divine ang secret wedding nina Sarah at Matteo dahil isiniwalat ito umano ni Tamara sa ina ni ni Sarah kaya sumugod ito sa kasalan. Noon pa man, tutol na si Mommy Divine sa relasyon ni Sarah kay Matteo.
Biro tuloy ni Lolit, parang pelikulang "James Bond" ang civil wedding ng celebrity couple dahil sa insidente.
Sabi niya, "Hah hah kundi pa naganap ang suntukan, hindi pa puputok dahil hayun nga ginawa muna ni Sarah ang trabaho bago tumuloy sa Shangrila The Fort para sa civil wedding. Bongga ang mala-James Bond na wedding na ito, very cute ang date 2 20 20, mahirap kalimutan."
Sa hiwalay na post, ipinahayag ni Lolit ang kanyang opinyon tungkol sa pagiging istrikto ni Mommy Divine kay Sarah.
Sa palagay niya, pinoprotektahan lang ni Mommy Divine ang kanyang anak kaya ganoon na lamang ang kanyang pagdidisiplina rito lalo na pagdating sa love life nito.
Sulat ni Manay Lolit, "Lahat naman ng magulang, ang happiness ng anak ang number one priority, Salve. Palagay ko naman iyon din ang nasa isip ni Mommy Divine para kay Sarah Geronimo. Bilang ina, kung ano ang mabuti para sa anak niya ang hinahanap niya, at siguro kung meron man siyang tutol ito ay dahil lang sa takot niya na hindi maging maligaya ang anak o baka hindi pa nito kaya ang buhay may asawa. Naging mabuting gabay naman ni Sarah ang ina sa buong buhay niya bilang Sarah Geronimo sa showbiz, naging maayos ang kanyang career, hindi nalustay ang pera na pinagpaguran niya at ngayon na si Matteo ang pinili niya, at nauwi nga sa kasalan siguro iyon lungkot lang na mawawalay na sa kanila si Sarah ang sanhi ng kanyang pagtutol. A mother's love is unconditional, kung anuman iyon nasa puso ni Mommy Divine, tiyak na para iyon sa kaligayahan ni Sarah at sure ako alam niya iyon kaya ang ending sila pa rin magnanay, ang magkakampi sa huli. Ipinakita ni Sarah kung gaano siya kabuting anak, at ipinadama din ni Mommy Divine kung paano siya magmahal bilang ina. Winner for both. Salute."