GMA Logo lolit solis pauleen luna
What's Hot

Lolit Solis, suportado si Pauleen Luna sa pagkompronta sa basher ni baby Tali

By Cherry Sun
Published August 24, 2020 11:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

lolit solis pauleen luna


“Go Pauleen, fight for Talitha,” sabi ni Lolit Solis bilang suporta kay Pauleen Luna, na kumompronta sa basher na nanlait kay baby Tali.

Naging headline ang pagkompronta ni Pauleen Luna sa basher ng anak nila ni Vic Sotto na si Baby Tali at suportado ni Lolit Solis ang ginawa ng Eat Bulaga dabarkad.

Nitong nakaranag linggo, sa pamamagitan ng Facebook, pinadalhan ni Pauleen ng mensahe ang basher ng kanyang anak at pinagbantaang maaari itong makulong dahil sa cyberybulling.

Naiintindihan daw ni Lolit ang naging reaksyon ng actress-host at hindi rin niya mawari kung bakit kailangan pagsalitaan nang masama ang anak nito.

Komento ni Lolit, “Sure ako na kung sila Vic Sotto at Pauleen Luna lang Salve, hindi mapipikon duon sa bashing, pero nang isali ang anak nilang si Talitha, ibang usapan na iyon.

:Kung minsan kasi ang hindi ko malaman kung anong happiness ang madarama mo bashing a kid like Talitha.

"Parang mga angels ang mga batang iyan kaya hindi dapat isinasali sa mga negative thoughts lalo na ng isang adult na tao.

"Imagine mo how an innocent child can react sa mga negatibo mong salita , to think na ikaw na nasa tamang edad hindi alam ang dapat gawin o gamitin salita.

“Awayin mo, pagsabihan iyon mga magulang dahil puwede sila lumaban, pero iyon bata, wow, hindi ba kaduwagan iyon?

"Kahit ako nasa lugar ni Pauleen bilang ina, go, dapat malaman niya at matuto ng leksiyon.

"Bashing, meron din dapat sinusunod, huwag bara bara, piliin nyo.

"Bata isasali mo sa kabobohan, magdusa ka. Go Pauleen, fight for Talitha.”

Sure ako na kung sila Vic Sotto at Pauleen Luna lang Salve, hindi mapipikon duon sa bashing, pero nang isali ang anak nilang si Talitha, ibang usapan na iyon. Kung minsan kasi ang hindi ko malaman kung anong happiness ang madarama mo bashing a kid like Talitha. Parang mga angels ang mga batang iyan kaya hindi dapat isinasali sa mga negative thoughts lalo na ng isang adult na tao. Imagine mo how an innocent child can react sa mga negatibo mong salita , to think na ikaw na nasa tamang edad hindi alam ang dapat gawin o gamitin salita. Awayin mo , pagsabihan iyon mga magulang dahil puwede sila lumaban, pero iyon bata, wow , hindi ba kaduwagan iyon ? Kahit ako nasa lugar ni Pauleen bilang ina, go, dapat malaman niya at matuto ng leksiyon. Bashing , meron din dapat sinusunod , huwag bara bara, piliin nyo. Bata isasali mo sa kabobohan, magdusa ka. Go Pauleen, fight for Talitha. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Bago ito, may una nang sinagot si Pauleen na basher na hindi sang-ayon na kamukha ng kanyang anak si Vic.

IN PHOTOS: The quarantined life of Vic Sotto, Pauleen Luna, and baby Tali