
Pinansin ng showbiz columnist na si Lolit Solis ang tila magic ng Wowowin host na si Willie Revillame pagdating sa hosting.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na napakalawak ng sakop ng audience ng programa niya, lalo na ng segment na “Tutok-To-Win” na araw-araw online.
Pero ano nga ba ang dahilan kung bakit napakalakas ng appeal ni Willie sa publiko bukod sa mga huwaran niyang pagtulong sa mga taumbayan?
Ayon kay Lolit, maaaring ito ay dahil sa barok style na hosting niya.
“Tuwing manunuod ako ng 'Tutok-To-Win' ni Willie Revillame parang napapagod ako? Para bang kiti-kiti siya at mabuti na lang mayroon na siyang co-host ngayon, si Donita Rose kaya may kabatuhan na siya ng dialogue.
“Kasi nga hindi naman ganoon ka-wide ang conversation skill ni Willie kaya mayroong tendency na paulit-ulit ang salita at topic, talagang kailangan ang bullet points para maibigay niya ang wider spectrum sa audience niya.
“Pero ito rin siguro ang magic niya, iyong barok style na hosting, iyong pabara-bara lang na conversation kasi nagtatagal naman ang mga programa niya,” aniya.
Dagdag pa ng kolumnista, mayroon nang tatak ni Willie.
“Mayroon na siyang tatak plus the fact na marami ang premyo kaya tutok talaga ang manonood. Pero mas maganda ng mayroon siyang co-host para may variety ang usapan at style, hindi iyon paulit-ulit ang naririnig mo, baka pagsawaan din naman.
“Saka dapat lagi talaga mayroong pera sa premyo dahil ito talaga ang sustaining part ng programa. Iyon ang talagang sentro kung bakit naka tutok, para mag-win,” aniya.
Wowowin: Willie Revillame, bumuhos ang luha at emosyon para sa mga frontliners
'Wowowin' Facebook page, may 8M followers na!