GMA Logo lolita carbon and coritha
Photo by: Julius Babao YT, Coritha FB
What's Hot

Lolita Carbon, binisita ang bedridden OPM icon na si Coritha

By Kristine Kang
Published August 16, 2024 1:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - House representatives file resolution to investigate death of former DPWH Usec. Cabral (Dec. 22) | GMA Integrated News
Drunk man drowns at Digos beach
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

lolita carbon and coritha


Lolita Carbon nang nakita si Coritha, "Masama sa pakiramdam ko na makita ko siyang ganiyan."

Maraming ang naging emosyonal at natuwa sa muling pagkikita ng dalawang OPM singers na sina Lolita Carbon at Socorro Avelino, o mas kilala bilang si Coritha.

Kamakailan lang, binisita kasi ni Lolita at showbiz content creator na si Julius Babao ang dating folk singer sa tahanan ng partner niyang si Chito Santos.

Sa kanilang pagdalaw, nakita ng Filipina singer si Coritha na bedridden na at hindi na makapagsalita o makagalaw nang maayos.

"Masama sa pakiramdam ko na makita ko siyang ganiyan. Wala naman may gustong mangyari iyon sa kanya," sabi niya.

Sa umpisa, tila nahirapan si Coritha makilala ang kanyang dating kasamahan sa industriya. Ngunit habang tumatagal, nais hawakan ng folk singer ang kamay nito at tila nakikinig sa mga kuwento ng kanyang kaibigan.

Sa istorya ni Lolita, matagal na raw sila magkakilala at close bilang artists. Ilang beses niya raw nakakasama ang singer sa ilang gigs at album katulad ng "Sampagita, Lolita and Coritha sings Freddie Aguilar's hit songs."

"Lahat naman ng mga musikero close iyan 'pag nagkikita. Nagkikita sa gig, nagkikita sa events," paliwanag ni Lolita.

Dagdag din niya,"Noong tumugtog siya sa Hobbit House, meron siyang Coritha and the Popsicle. Ako naman, Lolita and the Boys noong panahon na iyon. So, halos [kung] ano talaga trending."

Kaya noong nalaman niya ang kalagayan ni Coritha, kinausap niya kaagad ang mga iba pa nilang kaibigan para matulungan ito.

"Noong nag-suggest nga si Monet Pura [organizer ng event] na mag-fund raising, sabi ko, 'Hindi, ora mismo.' Sabi kong ganoon, 'Gawin natin August 5 'yung first [event].' Kasi, papatagalin pa ba natin iyan kung meron naman available na venue," sabi ni Lolita.

Ginanap ang fund raising event na "Awit Para Kay Coritha" sa Hive Hotel, kasama ang iba pang OPM legends katulad nina Bayang Barrios, Cooky Chua, Joey Ayala, at Paul Galang.

Matatandaang nabalita noon na nasunugan ng bahay si Coritha at tumira na lamang sa bahay ng kanyang partner.

Payapa na sana ang kanilang samahan, ngunit ilang beses inatake ng stroke ang dating folk singer. Sa kasamaang palad, naging bedridden na lamang si Coritha at hindi na makapagsalita o makahinga nang maayos.

Ngunit pagkatapos maibalita ang kanyang kalagayan, maraming nag-abot ng tulong para sa OPM singer. Maliban sa fund raising na pinangunahan ni Lolita, maraming kababayan ang tumawag at nagbigay ng tulong para sa kanilang iniidolong artista.

"[Madami] hanggang Mindanao. Daming tumatawag sa akin hanggang ngayon. Daming tumatawag sa akin, minsan gabi, kahit gabi. Minsan construction worker sabi niya, 'Chito, tutulong kami.' Sabi ko ibigay niya na lang sa pamilya n'yo, hindi naman napaka... masyado ano iyon. Sa pamilya n'yo na lang. [Sagot niya], 'Hindi. Bata pa kami, idol na namin iyan, e.," pahayag ni Chito.

Labis ang pasasalamat ni Chito sa lahat ng nagbigay ng tulong. Madalas pa raw hindi mapigilan din ni Coritha na lumuha sa tuwa.

Samantala, narito ang ilang celebrities na nakaranas din ng stroke:

Panoorin ang kabuuan ng pagbisita ni Lolita kay Coritha rito: