
Bumisita sa huling araw ng Kadayawan Festival sa Davao City ngayong Linggo, August 21, sina Alden Richards at Ruru Madrid kasama ang ilan sa Kapuso stars at cast ng kanilang pinagbibidahang GMA series na Lolong at Start Up-Ph.
Kasama ni Ruru ang kanyang co-stars na sina Arra San Agustin, Shaira Diaz, at Rochelle Pangilinan. Kabilang din sa mga bumisita sa nasabing Festival ay isa pa sa mga bida ng inaabangang Philippine adaptation ng Korean series na Start-Up na sina Jeric Gonzales.
Sakay ng magkahiwalay na float, game na game na sumali sa parada ang Kapuso stars paikot sa ilang lugar sa Davao City upang makisaya sa nasabing festival.
Nagkaroon din ng pagkakataon na makasama nina Alden at Jeric ang GMA Regional TV at ilang miyembro ng Davao entertainment press sa ginanap na media conference ngayong hapon.
Nitong Sabado, maagang nagpasaya ng mga Davaoeño ang cast ng Lolong na pinangunahan ng lead actor nito na si Ruru na kagagaling lamang sa taping ng Running Man Philippines sa Korea.
Nagpasalamat naman sina Ruru sa mainit na pagtanggap ng mga taga-Davao sa dambuhalang primetime series ngayon ng GMA na Lolong.
Inimbitahan naman nina Alden at Jeric ang maraming fans sa Davao na abangan at panoorin ang nalalapit na pagsisimula ng Start-Up Philippines.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENE PHOTOS SA TAPING START-UP PHILIPPINES SA GALLERY NA ITO: