
Gusto mo bang magkaroon ng sarili mong Daks?
Mabibili na kasi ang plush toy version ni Dakila o Daks, ang dambuhalang buwaya mula sa action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.
Available ito online sa GMA Store sa halagang Php 999.
Maaari din itong bilhin sa official stores ng GMA sa Lazada at Shopee.
Si Dakila ang kaibigang buwaya na laging kasangga ng bida ng serye na si Lolong, played by primetime action hero Ruru Madrid.
Sa ikaapat na linggo ng Lolong: Bayani ng Bayan, tila manghihina si Dakila. May kinalaman kaya ito sa pagkawala ng Ubtao, ang sagradong hiyas ng mga Atubaw?
Bukod dito, darating na ang oras ng paniningil.
Aatakihin ng Atubaw na si Nando (Nonie Buencamino) at ng mas pinalakas niyang puwersa ang isang pagtitipon para puntiryahin si Julio (John Arcilla), ang taong dumukot, nagpahirap, at nag-eksperimento sa kanilang lahi.
Dahil dito, makakaharap ni Lolong (Ruru Madrid) sa labanan ang sarili niyang lolo. Hindi niya batid kung ano'ng ipinaglalaban nito sa ngayon at ang tangi lang niyang layunin ay mabawi mula kay Nando ang Ubtao.
NARITO ANG MGA EKSENANG DAPAT ABANGAN SA 'LOLONG: BAYANI NG BAYAN':
Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.