
Nasaksihan sa "Lola, Ninakawan!" episode ng Wish Ko Lang noong Sabado ang pagmamahalan na mayroon sina Lola Delia (Gina Pareño) at Lolo Leonardo (Nanding Josef) kasama ang apo nilang si Nelcy (Crystal Paras).
Kahit mahirap ang buhay, matiyagang nananahi si Lolo Leonardo para sa pang-araw-araw nilang pangangailangan. Naging isang mabuting asawa rin ito kay Lola Delia, na mayroon ng dementia.
Sa ngayon, ang apo na lamang nilang si Nelcy ang kasa-kasama ni Lolo Leonardo sa paghahanapbuhay matapos na pumanaw si Lolo Delia.
Para sa bagong simula nina Lolo Leonardo at Nelcy, naghanda ng sorpresa ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales.
Katulong ang actress-singer na si Crystal Paras, tinupad ng programa ang hiling ni Nelcy para sa kanyang lolo na makasama ang iba pa nilang mga kamag-anak.
Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
MAS KILALANIN SI GINA PAREÑO SA GALLERY NA ITO: