
Sumabak na sa lock-in taping ang cast ng Lolong, ang dambuhalang adventure-serye sa Philippine primetime ngayong 2021.
Sa isang resort sa Quezon ang magsisilbing set at tahanan ng show.
"We're looking forward na magawa na 'yung mga eksena na nabasa namin. Sobrang nagustuhan ko din 'yun script. At the same time. I'm looking forward na makatrabaho 'yung mahuhusay na co-actors ko na nandirito po sa program na ito," pahayag ng lead star nito na si Ruru Madrid.
Gaganap si Ruru bilang Lolong, isang binatang may kakaibang kakayanan na makipag-usap sa dambuhalang buwaya na si Dakila.
Makakasama niya sa serye bilang leading ladies sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.
"Bukod po sa script reading, nagwo-workout po kami para presentable kami pagdating sa work kasi ang tagal tagal naming hinintay 'to," pahayag ni Shaira tungkol sa paghahanda nila sa lock-in.
"May homework po kami na kailangan po naming basahin 'yung kabuuan po ng script kasi kapag nagsi-script reading na po kami, kailangan alam po namin kung saan nanggagaling 'yung bawat eksena na binabasa po namin," dagdag naman ni Arra.
Bukod kina Ruru, Shaira at Arra, ipinakilala na rin ang iba pang bigating artista na magiging bahagi ng cast.
Isa na rito ang beteranong aktor na si Christopher de Leon na looking forward na rin na magsimula ang kanilang trabaho.
"We want to see the river, the waterfalls, the lakes and the forests and the beauty nature, and Dakila," lahad niya tungkol sa mga bagay na nais niyang ma-enjoy sa set.
Balik naman sa pagiging kontrabida sa Lolong ang aktres na si Jean Garcia.
"Balik ako sa pagiging kontrabida, pagiging salbahe. Medyo malakas ang dating nitong character ko na ito. Si Donna, salbahe siya sa lahat ng tao pero may loyalty at pagmamahal siya sa pamilya niya," paglalawaran niya sa kanyang karakter.
Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras sa video sa itaas.